Tuesday, September 14, 2010

KALUSUGAN, NASA PRAYORIDAD

Alaminos, Laguna- Dahil sa pananalasa ng dengue sa mga karatig bayan ay nananatiling nasa prayoridad ni Kon. Ginger Flores ng bayang ito ang aspetong pangkalusugan.

Bilang Chairman ng Committee on Health and Sanitation ay nananawagan si Flores sa kanyang mga kababayan na panatilihing malinis ang paligid at ugaliing iwasan ang pagkakaroon ng stagnant water na posibleng pangitlugan ng lamok na nagdadala ng naturang sakit.

Matatandaang bilang pinuno ng nasabing komite ay nakipag-ugnayan siya sa tanggapan ni Rep. Ma. Evita Arago para sa isang medical and dental mission sa bayang ito.

Sa naturang medical and dental mission ay napaglingkuran ang record-breaking na 3,500 pasyenteng mula sa 15 barangay sanhi na rin sa pag-alalay ni Flores na ginanap sa kabayanan kamakailan.

Samantala, bilang tagapangulo ng Committee on Infrastructure and Special Projects, at Committee on Good Governance, Public Ethics and Accountability ay naisulong na ni Flores ang pagpapa-ilaw sa Fule St. at may binubuong ordinansa na magpapatupad ng disiplinang nauukol sa mga kabataan upang huwag maligaw ng landas.

Si Flores ay dating hepe ng tanod bago nahalal na barangay chairman ng Brgy. Poblacion Uno. Nagwagi siyang konsehal ng bayang nang nakaraang May, 2010 election. (Tribune Post)

No comments: