Mapalad ang mga San Pableño nang maging panauhin si Quezon 2nd Dist. Cong. Proceso Alcala sa palatuntunang PAKSA ni Roni Mirasol sa Celestron Cable TV noong nakaraang linggo sapagkat direct from him ay nabigyang linaw ang maraming isyu sanhi ng mga maling akusasyong ibinabato sa Mts. Banahaw-San Cristobal Protected Landscape Act (HB 4299) na siya ang principal author.
Una rito ay tungkol sa 50 pamilya na diumanoy pinalikas na at naninirahan ngayon sa Brgy. San Cristobal, sinabi ng kongresista na 31 istraktura sa Brgy. Sta. Lucia, Dolores, Quezon, ang binigyan ng notice, kung saan 15 lang ang tumanggap ng notice noong Nobyembre, 2008, at sa pagbabalik ng PAMB noong Pebrero, 2009, ay nakakita ang mga ito ng dalawang abandonadong istraktura, ito ay kanilang dinimolis na at sa kasalukuyan ay ito pa lang dalawang ito ang natatala na abandonado pa.
Imposible umano ayon pa kay Cong. Alcala na walang public hearing na naganap nang tinatalakay pa ang panukala sapagkat lahat ng dokumento ay magpapatunay na ito’y nagdaan dito at pawang authenticated.
Kinikilala rin ng batas ang mga tenured migrants at mga karapatan ng mga ito subalit kung may notice kang matatanggap ay mangangahulugan ito na walang karapatang mamalagi sa Mt. Banahaw sa ilalim ng isinasaad ng NIPAS Act.
Madali aniya ang magsabi ng kanilang karapatan subalit kung biglang may dumating na tribu mula sa Mindanao at namalagi sa Mt. Banahaw, sumisigaw at ipaglalaban ang kanilang karapatan ay dapat ba natin itong kilalanin? Ganito rin ang paniniwala sa Dolores, Quezon kaya nga’t umabot ang reklamo sa San Pablo City, dapat aniya ay win-win solution ang ipatupad at huwag laging opensiba.
Dapat rin aniyang ipagmalaki si Laguna 3rd District Congresswoman Ivy Arago bilang co-author ng HB 4299 sapagkat nangangahulugan na alam ni Rep. Arago ang suliranin natin ukol sa environment at gumagawa siya ng pamamaraan upang ito ay malunasan.
Napatunayang maling lahat ang akusasyon ng kampo ni BM Karen Agapay sa HB 4299, na kung iyong pag-aaralan ay may bahid pulitika sapagkat ang tunay na pakay ay bigyang dungis ang malinis at magandang record ni Cong. Ivy Arago sa mata ng publiko. Tigilan na po ninyo ito sapagkat sa pagdaan ng mga araw ay lalo kayong lumulubog at lumalabas na kahiyahiya sa paningin ng taumbayan. (SANDY BELARMINO)
Tuesday, August 18, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment