Sunday, August 16, 2009

ITO ANG KATOTOHANAN SA MTS. BANAHAW-SAN CRISTOBAL PROTECTED LANDSCAPE ACT

Sa mga kasinungalingang ipinagkakalat ng mga walang basehang ulat at sa malisyosong privilege speech na hindi sumailalim sa maingat na pananaliksik sapagkat ang tanging pinagbatayan ay ang ambisyon para sa pansariling kapakanan kung kaya’t walang naging pagsasaalang-alang sa dalisay na katotohanan.

Sa ngalan ng patas na paglilinaw ang tuklasin ang katotohanan sa likod ng mga akusasyon na inihayag ng ulat at privilege speech hinggil sa Mts. Banahaw-San Cristobal Protected Landscape Act (HB 4299, SB 2392).

KASINUNGALINGAN - Magiging daan ang nasabing batas upang sumailalim sa
landscaping process ang Mt. Banahaw at Mt. San Cristobal.

KATOTOHANAN -Dapat mabatid ng lahat na ang tinutukoy na “Landscape” sa
Protected Landscape Act ay ang preserbasyon at pangangalaga
sa likas o natural na anyo ng mga nasabing kabundukan upang
hindi magambala ng tao o pinsalain ng kaunlaran.

KASINUNGALINGAN -Magtatayo ng golf course at cable car facilities sa lugar.

KATOTOHANAN -Mahigpit ang tagubilin ng mga probisyon at tadhanain ng
panukalang batas ukol dito, na ngayon pa lang sa ilalim ng
NIPAS (National Integrated Protected Area System Act of
1992, RA 7586) ay hindi na ito pinapayagan. Mas ispisipiko
tinukoy sa HB 4299 at SB 2392 na bawal at may katapat na
kaparusahan sa mga lalabag.

KASINUNGALINGAN - Walang konsultasyon o walang naganap na public hearing sa
HB 4299 at SB 2392.

KATOTOHANAN - May mandato ang NIPAS sa pagbubuo ng PAMB (Protected
Area Management Board) na kinabibilangan ng mga taga
DENR, PENRO, CENRO, MENRO, mga barangay sa paligid
ng mga nasabing bundok, mga NGO at mga iba pang peoples
Organization. Sila ang policy governing body at
tagapagpatupad ng batas. Sila ang patuloy na kumukunsulta
sa komunidad at nagpapaliwanag ng mga batas sa pag-
gugubatan.

KASINUNGALINGAN - Limampung (50) pamilya na ang kinawawa’t pinalikas mula
Sa Mts. Banahaw-San Cristobal.

KATOTOHANAN - Sa kasalukuyan ay 31 istraktura lang ang may notice to vacate
sapagkat mapaminsala sa kalikasan ang patuloy nilang
pamamalagi doon. Noong Nobyembre, 2008, ay 15 ang
tumanggap ng notice sa pamamagitan ng Protected Area
Superintendent (PASu) bilang pagsunod sa kautusan ng
PAMB. Bumalik ang PAMB noong Pebrero, 2009, kung
saan may natagpuan silang dalawang (2) abandonadong
istraktura na pinagpasyahan nilang tuluyang idimolis. Sa
ngayon ay ito pa lamang at hindi pa nadaragdagan.

KASINUNGALINGAN- Napagtibay ang panukalang batas sa loob lang ng iisang araw.

KATOTOHANAN - Kung naging makatwiran lamang ang ginawang pananaliksik
at pinawi sa isipan ang supreme prejudice sanhi ng pulitika
ay madali nating malalaman na ang panukalang batas na ito
ay nagsimula pa noong 13th Congress at ini-refile lang
ngayong 14th Congress. “Dapat ding malaman ng lahat na
may prosesong sinusunod sa pag-akda ng batas at imposible
na matapos ito sa isang araw” ayon kay Quezon 2nd District
Cong. Proceso Alcala.

Ang mga paglilinaw na ito’y hinalaw sa konsultasyong isinagawa ng Tanggapan ni Laguna 3rd District Congresswoman Ma. Evita Arago sa mga resource person na kinabibilangan nina Quezon 2nd District Congressman Proceso Alcala, DENR Regional Executive Director at PAMB Chairman Nilo Tamoria, PENRO Isidro Mercado, PASu Sally Pangan, sampu ng mga punong barangay at NGOs na bumubuo sa PAMB kamakailan.

No comments: