San Pablo City - May posibilidad na sa lunsod na ito manggaling ang susunod na Bise-Gobernador ng lalawigan ng Laguna kung tuluyan tatanggapin ng isang konsehal ang alok ni opposition na governatorial candidate at Pagsanjan Mayor Jeorge E.R Ejercito na maging ka-tandem niya sa 2010 election.
Napag-alamang sa ngayon ay komukunsulta na si Konsehala Ellen Reyes sa kanyang mga taga-suporta sa grupo ng mga kababaihan, mga NGO at people’s Organization sampu sa mga senior citizens, youth sector at mga loyalistang tagapagtaguyod upang makatulong sa gagawin niyang pagpapasya.
Isang lider sibiko si Reyes na tagapagsulong ng mga adbokasiyang pangkababaihan bago nahimok na pumalaot sa politika kung saan ang mga makabuluhan niyang gawain ang tumayong matibay niyang sandigan upang mahalal na konsehal ng lunsod.
Bilang isang konsehal ay personal na pinamahalaan ni Reyes ang Women Center na gumagabay sa mga kababaihan at mga out of school youth.
Ang naturang center ay nagbibigay ng pagsasanay at nagtuturo ng iba’t-ibang kursong bokasyonal sa mga nasabing sector, na sa ngayon ay umabot na sa 8,000 ang mga nakapagtapos at natulungan magkaroon ng hanap-buhay. Dahil dito ay naging susi si Reyes sa pagkakatatag ng Gender and Development Center sa lunsod.
Ilang lider kababaihan ang nagsabi na muling naulit ang kasaysayan sa buhay ni Reyes bilang reluctant candidate, ang una ay ang paghimok na tumakbo siyang konsehal at ang kasalukuyang alok na pagkandidato bilang Bise-Gobernador, subalit kilala na anila si Reyes na hindi marunong umurong at tumalikod sa malawak na responsibilidad.
Si Reyes ay may PhD on Social Development kung kaya’t sa kanyang mga adbokasiya ay higit niyang pinahahalagahan ang kapakanan ng tao mula sa kalusugan ng mga sanggol sa sinapupunan hanggang sa paghubog sa mga kabataan na maging mabuting mamamayan
Sunday, August 23, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment