San Pablo City – Ine-release na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P2.5 million pondo ng IVY Scholars na nakalaan para sa 428 mag-aaral sa tercera distrito ng Laguna sa pagtataguyod ng Tanggapan ni Congresswoman Maria Evita Arago.
Sa ilalim ng IVY scholarship program ay pinagkakalooban ang mga mahihirap na mag-aaral ng tig-limang libong piso bilang pag-alalay ng kongresista sa mga magulang ng mga nasabing istudyante sa koliheyo.
Nasa pangalawang taon na ang programang ito ni Rep. Arago, na kanyang sinimulan sapul na maluklok sa panunungkulan. Layunin ng naturang pagsusulong na mabigyan ng patas na pagkakataon ang mga dahop na mag-aaral sa pagtuklas ng karunugan, sa paniniwalang ang edukasyon ang mabisang paraan upang makahulagpos sa kahirapan.
Sinimulan nang ipamahagi ni Rep. Arago ang mga tseke sa bawat iskolar kung saan ay maluha-luhang tinanggpan ng mga mag-aaral at kanilang mga magulang sa idinaos na simpleng seremonya.
Kaugnay nito ay nanawagan ang mambabatas sa mga nais pang mag-apply ng scholarship na mag-sumite na ng kaukulang requirements hanggang Hunyo a-trenta.
Ayon kina Jealica Mendoza at Maricris Fontanoza, kapwa graduate ng BS Elementary Education sa DLSP ay napakalaking tulong ng scholarship program ni Cong. Arago sa kanilang pag-aaral, kaya lubos ang kanilang pasasalamat sa kongresista sa pagiging instrumento sa mga nangangailangan.
Samantala’y ibayong pagsisikap sa pag-aaral ang inihahandogni Tristan Adao ng LSPU kay Rep. Arago sapagkat ito lang ang maitutumbas ng isang iskolar sa oportunidad na kaloob ng mambabatas. Ang iba pang iskolar ay nanawagan na tumulong sa mga medical at dental mission ng kongresista sakali mang ito”y ganapain sa kanilang lugar. (7 Lakes Press Corps/Sandy Belarmino-Nani Cortez)
Friday, June 26, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment