Sta. Cruz, Laguna- Sinimulan na ang konstruksyon ng Santisima-Sto. Angel Bridge sa bayang ito na bahagi ng P200-milyong long term project ni 4th District Cong. Edgar San Luis na mag-uugnay sa mga coastal barangay ng nasabing distrito.
Ang tulay ay may habang 75 metro at lapad na limang metro ay magdurugtong sa katatapos lamang na overflow bridge ng Brgy. Callos at Sto. Angel Sur ay maglalagos sa mga road networks ng mga naturang barangay bilang short term o pang-agarang pakinabangan na proyekto.
Sa long term na bahagi naman ng proyekto ay ang konstruksyon ng elevated roads patungo sa bayan ng Lumban at iba pang munisipalidad ng distrito, na magsisilbing alternatibong ruta lalo na sa panahon ng tag-ulan sapagkat may kakayanan itong magamit ng motorista kahit may baha.
May probisyon rin ang proyekto para sa isang mini-pier na silbing pantalan ng mga mangingisda sa Laguna de Bay at maging sa mga passenger boat patungo sa bayan-bayan ng Laguna at Rizal o Metro Manila sa hinaharap na panahon.
Ayon kay Cong. San Luis ay ang rehiyunal na tanggapan ng DPWH 4-A sa ilalim ni Director Bonifacio Saguit ang mangangasiwa sa implementasyon ng konstruksyon, samantalang ang monitoring ay sa Laguna 4th Engineering District sa ilalim ni DE Manuel Y. Alejo, Jr. at ADE Theodoro L. Cantos.
Pinamamahalaan ni DPWH Region 4A Resident Engr. Vic Segudo ang konstruksyon ng itinatayong tulay na kasalukuyang ginagawa ng Christian Ian Construction Corporation. (NANI CORTEZ)
Friday, June 26, 2009
KATARUNGAN SA PAGKAMATAY NI D.Y. AT MGA KASAMA
Marahas, kasuklam-suklam at pagpapakita ng karuwagan ang ginawang pagpaslang kay PCL President BM Danny Yang at kanyang mga kasamang sina Brando de los Santos at dating barangay chairman Manolo Barcenas.
Simbolo ng karahasan ang gawan mo ng masama ang isang taong kahit lampas na sa takdang oras ng trabaho bilang public servant ay lumalabas pa sa komportable niyang tahanan upang makapaglingkod sa mga taga barangay. Karahasan ding masasabi na paslangin mo ang isang taong nagkakaloob ng oras sa mga kababayang gayong ang mga sandali sanang iyon ay para sa kanyang pamilya.
Kasuklam-suklam naman ang tawag sa taong pataksil kung pumatay, ang kumitil ng buhay sa mga walang kalaban-laban at magsamantala sa kahinaan ng kalaban sa hindi inaasahang pagkakataon.
Sa pagpapakita ng karuwagan ng mga salarin na hindi makalaban ng harapan at animo’y takot sa anino ng kalaban kaya’t kung kailan pusikit na’y doon isinasakatuparan ang imbing gawain. Iisa na nga ang kalaban ay pinag-lilimahan pa!
Ang kalisyaang ito ay nauuri sa mga kasumpa-sumpa, isang makahayop na gawain at taglay ng mga taong walang puwang sa sibilisadong lipunan. Sila ang mga uring walang budhi at ang mga kaluluwa’y sinusunog na kahit pisikal pang nasa lupa. Ang mga tipong ganito kahit buhay pa’y siguradong pulo-pulong apoy ang kakahantungan.
Tahasang matatawag na duwag ang taong takot sa anino ng kanyang kapwa, tulad ng mga taong patraydor na bumaril kina BM Danny Yang. Natakot sila sa anino ni D.Y. gayong kung lilitaw sila sa liwanag ay sila’y may anino rin.
Bigyan natin ng katarungan ang pagkamatay nina D.Y., Manolo at Brando. Kondenahin natin ang mga salarin, iharap sa batas at hayaang magdusa sa bigat ng nagawa nilang kasalanan. (SANDY BELARMINO)

ABANTE KAMI SA MALAMIG
Masayang kapiling ni Mediaman Sandy Belarmino ang 7 anyos na si Michael “Qui-Quil” Eronico ng Brgy. San Jose (Malamig) matapos ang graduation rites ng libreng summer classes na isinagawa ng pamunuan ni Chairman and ABC President Gener B. Amante kamakailan. Si Qui-Quil ay anak ng mag-asawang Mario at Melba Eronico at kasalukuyang nasa ikalwang baytang sa San Jose Elementary School. Lubos ang naging pasasalamat ng mahigit na 200 mag-aaral na nakinabang sa naturang programa ni ABC Pres. Amante sapagkat ito ika nila’y magiging matibay na pundasyon ng kanilang kinabukasan. “Dito sa Brgy. Malamig ay umaabante kami dahil sa mga programa ni Amante”, pahayag ng pamilya ng mga nagsipagtapos. (7LPC)
KATARUNGAN PARA KAY BM YANG ET. AL.
Hindi sa pinangungunahan ang imbestigasyon ng pulisya sa kung anong motibo ang nasa likod ng pagpaslang kay San Pablo City Councilor at Philippine Councilors League Laguna Chapter President Danny Yang ay maituturing na isa itong kaso ng election related violence dito sa Calabarzon na ang biktima ay isa mga major player sa darating na 2010 election.
Una ito sa Lalawigan ng Laguna at kauna-unahan sa Lunsod ng San Pablo na kahit anong higpit ng tunggalian sa larangan ng pulitika ay kalian ma’y hindi pa nababahiran ng karahasan.
Maaga pa at malawak ang angulong maaaring tingnan at pagsimulan ng pulisya, ngunit ang humantong ito sa kadahilanang sanhi ng pulitika ay huwag naman po sana.
Kilala ang nasawing bokal bilang isa sa mga haligi ng partidong PDSP sa ilalim ng pangangasiwa ni National Security Adviser Norberto Gonzales, na magbubukas sa posibilidad na ang mga hindi kasundo ng kalihim ay ang maaaring kaaway rin ang turing kay BM Yang.
Bukas rin ang pintuan ng posibiliad sa mga tinatayuang isyu ng bokal na matibay niyang ipinaglalaban. Ito ay sa bulwagan ng Sangguniang Panlunsod o maging sa Sangguniang Panlalawigan. Hindi nagkakasya si Yang, ni hindi rin tumitigil hanggat hindi nakakamit ang kaukulang linaw sa isang partikular na usapin.
May puwang rin ang pagiging crime buster ni Yang na maaaring sa isang panig ng nagdaang panahon ay mayroon siyang nasagasaan na nagkimkim ng paot na dinala hanggang sa kasalukuyan. Subalit sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya ay napag-alamang marami ang bilang ng suspek sa pataksil na pagpatay kay BM Yang.
Magbubukas ito sa kaisipan ng pulisya na ang nagsagawa ng krimen ay grupong organisado na madali nang matutukoy ng kapulisan ang pagkakakilanlan, lalo pa nga’t tuluyang matutuklasan ang pagkatao ng suspek na kasamang nasawi ng mga biktimang sina BM Yang, kanyang bodyguard-driver na si Brando de los Santos at dating Barangay Chairman Manolo Barcenas na pawang ang isinisigaw ng mga naulila ay katarungan. (The Tribune Post/Nani Cortez)

PONDO NG MGA IVY SCHOLARS, INI-RELEASE NA NG DBM
San Pablo City – Ine-release na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P2.5 million pondo ng IVY Scholars na nakalaan para sa 428 mag-aaral sa tercera distrito ng Laguna sa pagtataguyod ng Tanggapan ni Congresswoman Maria Evita Arago.
Sa ilalim ng IVY scholarship program ay pinagkakalooban ang mga mahihirap na mag-aaral ng tig-limang libong piso bilang pag-alalay ng kongresista sa mga magulang ng mga nasabing istudyante sa koliheyo.
Nasa pangalawang taon na ang programang ito ni Rep. Arago, na kanyang sinimulan sapul na maluklok sa panunungkulan. Layunin ng naturang pagsusulong na mabigyan ng patas na pagkakataon ang mga dahop na mag-aaral sa pagtuklas ng karunugan, sa paniniwalang ang edukasyon ang mabisang paraan upang makahulagpos sa kahirapan.
Sinimulan nang ipamahagi ni Rep. Arago ang mga tseke sa bawat iskolar kung saan ay maluha-luhang tinanggpan ng mga mag-aaral at kanilang mga magulang sa idinaos na simpleng seremonya.
Kaugnay nito ay nanawagan ang mambabatas sa mga nais pang mag-apply ng scholarship na mag-sumite na ng kaukulang requirements hanggang Hunyo a-trenta.
Ayon kina Jealica Mendoza at Maricris Fontanoza, kapwa graduate ng BS Elementary Education sa DLSP ay napakalaking tulong ng scholarship program ni Cong. Arago sa kanilang pag-aaral, kaya lubos ang kanilang pasasalamat sa kongresista sa pagiging instrumento sa mga nangangailangan.
Samantala’y ibayong pagsisikap sa pag-aaral ang inihahandogni Tristan Adao ng LSPU kay Rep. Arago sapagkat ito lang ang maitutumbas ng isang iskolar sa oportunidad na kaloob ng mambabatas. Ang iba pang iskolar ay nanawagan na tumulong sa mga medical at dental mission ng kongresista sakali mang ito”y ganapain sa kanilang lugar. (7 Lakes Press Corps/Sandy Belarmino-Nani Cortez)

NASAAN PO KAYO NOON, DEAR BISHOPS?
Too late na at huli na ang pagkilos ng ating magigiting na obispo laban sa CON ASS sapagkat noong hinihintay ng bayan ang kanilang pagkumpas para sa malakas, buo at nagkakaisang sigaw ng hustisya ay nagkasya lang ang mga ito sa kibit-balikat at panghahalukipkip na animo’y giniginaw.
Ngayong malapit ng matapos ang problema ng bayan ay saka sila nagpapakitang gilas, naghanap ng behikulong masasakyan upang mapalapit muli sa damdamin ng taumbayan gayong batid nilang ang Con Ass ay isa lamang kaluskos na walang katuturan.
Wala din itong patutunguhan batay sa himatong ng Kataas-taasang Hukuman sa pagbasura ng mga petisyon laban sa Con Ass. Malinaw ang sinabi ng Korte Suprema na walang dahilan ang reklamo sapagkat hindi pa naman nagsisimula ang pagbalangkas ng pagbabago ng Konstitusyon.
Ang tanong ngayon ng bayan ay nasaan kayo mga giliw kong Obispo sa kasagsagan ng usapin ng Garci tapes; ng NBN-ZTE broadband deal; ng fertilizer Scam ni Jocjoc; Euro General at marami pang iskandalong hinintay ng bayan ang inyong pagkilos upang kumampi sa katwiran? Hindi naming kayo nakita o nabanaagan man!
Maliban sa dalawa o tatlong Obispong nakaunawa sa pait ng nararamdaman ng mga mamamayan ay nasaan kayo mga minamahal kong Obispo nang kami ay naghahanap ng katotohanan? Naghihinala tuloy kaming hindi ninyo nakikita ang kulay ng dalisay.
Nasaan muli kayo mga kagalang-galang na Obispo nang ang bayan ay naghihintay ng titighaw sa kanilang uhaw sa katarungan. Mabuti pa ang mga madre na lumantad, hindi natakot at sumuong sa panganib alang-alang sa bayan.
Higit kailan man ay noon naming kayo kailangan mga pinagpipitagang Obispo! (SANDY BELARMINO, VP-Seven Lakes Press Corps)

Tuesday, June 23, 2009
3-ROOM SCHOOL BUILDING KALOOB NINA AMANTE, D.Y. AT CONG. ARAGO
San Pablo City- Ang three-room schoolbuilding na naipatayo mula sa pondong nahiling nina Congresswoman Ma. Evita R. Arago, Mayor Vicente B. Amante, at City Councilor Danilo R. Yang mula kina Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at DPWH Secretary Hermogenes E. Ebdane Jr. na itinayo ng New Rich General Contractor upang ipalit sa isang kondenadong schoolbuilding sa San Pablo Central School sa superbisyon ni District Engineer Federico L. Concepcion ay may maayos na kaanyuan, at kinapapansinan ng katatagan. Ang nagtayong kontratista ay nakatala sa umiiral na DPWH Registry of Prequalified Contractors. Marami ang nagsasabing ito na ang pinakamaayos na bagong tayong school building sa Lunsod ng San Pablo ngayon. (RUBEN E. TANINGCO)
PRINSIPYO O SERBISYO, MAY PINILI ANG MGA BARANGAY CHAIRMAN
SAN PABLO CITY – Sa consultation meeting na ipinag-anyaya ni Congresswoman Ma. Evita “Ivy” R. Arago sa Villa Evanzueda sa Sityo Baloc noong Linggo ng umaga, Hunyo 7, upang arukin kung ano ang paninindigan ng mga pinunong nayon sa isyu ng Charter Change, halos ang lahat ay nagkakaisang ang kongresista ay dapat na pahinuhod sa kahilingang siya ay pumabor sa pagsasagawa ng Constituent Assembly (ConAss) upang huwag maputol ang tulong sa distrito mula sa pamahalaang nasyonal.
Sa panibukas na pahayag ni Congresswoman Ivy Arago, kanyang binanggit na hindi siya nakadalo sa sesyon noong Martes nang pagtibayin ang House Resolution No. 1109 na nagtatakda ng pagkakaroon ng Constitutent Assembly, sa dahilang siya ay nasa opisyal na paglalakbay sa Visayas bilang vice chairman ng Committee on Ecology, na kasama ng dalawa pang miyembro ay nagsagawa ng mga public hearing sa Lalawigan ng Aklan
Ipinagpauna ng mambabatas na sa mga talakayang kanyang nilahukan sa Kongreso na may kaugnayan sa Charter Change, ay matatag ang kanyang paninindigan na hindi dapat susugan ang 1987 Constitution hanggang hindi natatapos o naisasagawa ang 2010 National and Local Elections, subali’t kanyang nadarama na ang mga kinatawang hindi pumapabor sa Charter Change sa pamamagitan ng Constituent Assembly ay walang tinatanggap na makabuluhang releases mula sa pamahalaang pambansa, kaya dito sa Ika-3 Distrito ay apektado ang paghahatid ng mga paglilingkod na panglipunan at pangkalusugan na dati-rati ay tinutustusan ng kanyang tanggapan. Maging ang 488 estudyante na dapat ay tumanggap ng financial assistance sa kanilang pag-aaral ay hindi pa nababayaran ang para na nakaraang school year.
Isang punong barangay, na dating kagawad ng sangguniang bayan, na masasabing kapanalig ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang nagsabing ng pagtibayin ang House Resolution No. 1109, ang layunin nito ay susugan ang Economic Provisions ng Saligangbatas, subali’t nakapagtataka di-umano na iginigiit ng mga kritiko na ang layunin ay palawigin ang pananatili ni Arroyo sa kapangyarihan.
Sa panig ni Punong Barangay Arnel C. Ticzon ng Barangay III-D ng lunsod na ito,na isang college professor na nagtuturo ng mga political science subjects, kanyang binanggit na dapat tanggapin ang realidad, na ang prinsipyo ano mang paliwanag ay hindi mauunawaan ng mga karaniwang mamamayan, sa kanila, ang higit na mahalaga ay ang serbisyo o ang madama ang mga paglilingkod na panglipunan at pangkalusugan ng mga taga-barangay, at ang sila ay napatatayuan ng mga gusaling pampaaralan at iba pang impraistrakturang pampubliko. Kaya tulad ng ipinadadama ng mga pinunong nayon mula sa Victoria, Calauan, Nagcarlan at Liliw, kanyang hinihiling kay Congresswoman Ivy Arago na makiisa sa paninindigan ng nakararami sa mga kagawad ng Kongreso na nagsusulong ng pagbabago sa Saligangbatas sa pamamagitan ng Constituent Assembly.
Ayon pa kay Chairman Ticzon, sa ilalim ng demokratikong uri ng pamahalaan, ang kapasiyahan ng nakararami sa kapulungan ay kapasiyahan ng lahat, kaya hindi masasabing iniwan niya ang kanyang prinsipyo para lamang matamo ang kinakailangang serbisyo para sa kanyang distrito.
Nabanggit din ni Ticzon na dapat alalahaning ano man ang pagbabagong babalangkasin ng ConAss ay ang mamamayan din ang magpapasiya sa pamamagitan ng plebesito, kaya ang mga hindi pumapabor sa pagbabago ay may pagkakataon sa panahon ng campaign period na ipahayag ang kanilang pagtutol at hikayatin ang lahat na bomoto ng laban sa pagpapatibay dito.
Maging sina Mayor Cesar C. Sulibit ng Liliw, at Vice Mayor Brigido P. Araneta ng Nagcarlan, na sinamahan ang kanilang mga pinunong barangay sa pagdalo sa consultation meeting, na magtiwala sa panananto ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na matutuloy ang 2010 National and Local Elections, sapagka’t ang hindi pagkatuloy nito ang siya lamang namang pinangangambahan ng mga mamamayan na mangyayari kung magaganap ang ConAss, kaya walang masama na si Congresswoman Ivy Arago ay magpahayag ng pagpabor sa Charter Change, upang bilang kinatawan ng Ika-3 Distrito ay makahiling ng tulong sa Pangasiwaang Pambansa. (Ruben E. Taningco)

R.A. 9520, BAGONG BATAS NA SUMASAKLAW SA MGA KOOPERATIBA
San Pablo City- Sa pagpapairal ng bagong batas, Republic Act 9520 o ang “Philippine Cooperative Code of 2008, ay isinagawa ng Laguna Provincial Cooperative Development Council (LPCDC) sa pamumuno ni Prof. Severino I. Medina Jr. at ng Cooperative Development Authority (CDA) Regional Director Ms. Nonie I. Hernandez na magsagawa ng FORUM on R.A. 9520 upang maipabatid sa mga kooperativa ang nasasaad sa nabanggit na bagong batas. Ito ay bunsod ng ginawang pag-amyenda sa dating Cooperative Code of the Philippines o R.A. 6938.
Naging host sa nasabing forum ang lokal na pamahalaan ng Lunsod ng San Pablo sa pamumuno ni Mayor Vicente B. Amante sa pamamagitan ni OIC-City Cooperative Officer Bb. Beth Biglete. Ito ay ginanap noong nakaraang Hunyo 18 sa ABC Training Center, City Hall Compound, sa kagandahang loob na rin ng Pangulo ng Liga ng mga Barangay, Gener B. Amante, at ang ayuda sa pagkain at pamatid uhaw ng mga panauhin at kalahok ay sa kabutihang loob naman ni Provincial Administrator Dennis S. Lazaro.
Ang naturang okasyon ay dinaluhan ng 53 opisyales ng iba’t-ibang kooperatiba mula sa ikatlong purok ng lalawigan kung saan naging panauhin sina Secretary to the City Mayor, Rudy Laroza, Asst. Director ng CDA na si Mr. Salvador Valeroso, Senior Coop. Development Specialists Liza Gonzales at Celeste Castro. Dumalo’t nakiisa rin si Bb. Dolly Libunao ng Land Bank upang ipakita ang suporta ng kanilang tanggapan sa ikauunlad ng mga kooperatiba. Sa kabuoan ay naging mabunga at makabuluhan ang nasabing forum. (BB/CCO-SPC)

Monday, June 22, 2009
DILG's COURTESY CALL
Nasa larawan sina (L-R) San Pablo City DILG head Herminia Arcelo, COP Raul Bargamento, Ex-Municipal Mayor Levy Arago, DILG Regional Director Josefina E. Castilla-Go (Region IV-A), Asst. CPDO and PESO Focal Point Person Melinda P. Bondad. at Assistant Regional Director Florida Dijan nang ang mga ito ay bumisita sa tanggapan ni San Pablo City Mayor Vicente B. Amante kamakailan.. Wala sa larawan si kasalukuyang Provincial Director Teodorica G. Vizcarra na kasama rin nang magtungo sa tanggapan ng alkalde. (SANDY BELARMINO)
Saturday, June 20, 2009
TAMANG PAG-IWAS SA A(H1N1), ITINURO NG CHO
San Pablo City - Hinihiling ni Dra. Mercydina Mendoza Caponpon ng City Health Office (CHO) sa mga pinuno at kawani ng pangasiwaang lunsod gayon din sa mga punong barangay at lider ng iba’t-ibang samahang sibiko at organisasyon na makipagtulungan para maipabatid sa taumbayan ang mabisang pamamaraan upang maiwasan ang Influenza A virus na kilala sa ngayon na A(H1N1).
Ipinabatid ni Dra. Caponpon ang mga hakbanging dapat isagawa sakali sila ay may mga kasambahay na kinapapansinan ng pagkakaroon ng mga ipinalalagay na sintomas ng H1N1.
Dapat aniya ang dagliang pagpapaabot ng impormasyon kay Dr. Job D, Brion, ang City Health Officer, upang ang hinihinalang apektado ng virus ay madalaw kaagad ng mobile surveillance team para masuri ang kanilang tunay na kalalagayang pangkalusugan.
Ayon kay Dra. Caponpon, kung ito ay karaniwang trangkaso ay may sapat silang dalang gamot para ito ay malunasan subalit kung ito ay dengue fever o H1N1 ay may proseso silang susundin upang ang pasyente ay maingat na mailipat sa tamang pagamutan gaya ng itinatagubilin ng kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan.
Ang payak na payo ni Dra. Caponpon sa lahat ay iwasan muna ang pagtungo sa mga mall o sa mga saradong bulwagan.
Kung maaari, sinabi pa ng manggagamot na ang mga air conditioning room ay dapat na may malakas na exhaust fan upang ang maruming hangin ay maitaboy kaagad palabas ng silid kung saan maaari ay marami ang taong doon ay tumitigil. (RUBEN TANINGCO, Sec. Gen., 7LPC)

CONG EDGAR SAN LUIS, KINILALANG MOST OUTSTANDING NEOPHYTE LEGISLATOR
Dahil sa tibay ng paninindigan ay napiling Outstanding Neophyte Legislator ng bansa ang kinatawan ng ika-4 na purok ng lalawigang ito sa isinagawang pag-aaral ng isang developmental and investigative magazine sa performance ng 15th Congress kamakailan.
Kinilala ng Public Eye Magazine ang mga pagsusulong sa bulwagan ng Kamara, na ang hangarin ay bigyang linaw ang maiinit na isyung bumabalot sa bansa.
Magugunitang tumayong nag-iisa si Cong. San Luis batay sa kanyang paniniwala na dapat lang malaman ng bayan ang dalisay na katotohanan sa kanyang pagkatig sa impeachment complaint laban kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Hindi natinag si San Luis sa kabila ng pagiging baguhang kongresista na ipaglaban ang nilalaman ng kanyang kaisipan sa harap ng mga tahiran at mga datihan nang mambabatas.
Pinahalagahan ng naturang magazine ang paghingi ng kongresista ng katarungan para sa 200 pamilya sa Lumban, Laguna na nanganganib na mawalan ng tahanan na kanilang tinitirahan sa nakalipas na 30 taon sanhi diumano ng maanomalyang legal na maniobra.
Kabilang sa mga ipinaglaban ni Cong. San Luis ang karapatan ng mga indigent prisoner sa pagkaroon ng tagapagtanggol, paghahanap sa nawawalang pondo para sa mga beterano, paglalagay ng priority list sa mga barangay ng 4th district sa serbisyo ng kuryente at pangangalaga sa karapatan ng mga tagapakinig sa radio at mga manonood sa telebisyon.
At dahil sa repormang isinulong ni San Luis ukol sa LLDA ay nagising ang liderato ng bansa sa abang kalagayan ng Laguna de Bay na pinagkukunan ng ikinabubuhay ng maraming residente sa ika-4 na purok ng lalawigan.
Ang kongresista ay nakapaghain na ng mahigit 30 panukalang batas at resolusyon sa Kamara na pawang layunin ay maitaas ang antas ng edukasyon, kalusugan at kabuhayan ng ika-4 na distrito ng lalawigang ito.
Kasama ni Cong. Edgar San Luis na pinarangalang Most Outstanding Neophyte Legislators sina Cong. Elpidio F. Barzaga Jr., 2nd District, Cavite; Cong. Roberto V. Puno, 1st District, Antipolo City; Cong. Ma. Theresa Bonoan-David, 4th District, Manila; Cong. Antonio del Rosario, 1st district, Capiz; Cong. Teodulo M. Coquilla. Lone District, Samar at Cong. Diosdado M. Arroyo, 1st District, Camarines Sur. (NANI CORTEZ, President, Seven Lakes Press Corps)

SIYA'Y GANITO, HINDI KA BA GANOON?
Palaisipan sa may akda ang palaging isinisigaw ng mga aspirante sa mga posisyong paglalabanan sa darating na halalan, na palitan ang mga kasalukuyang nanunungkulan sa paghahangad ng reeleksyon.
Sa mga magreretiro dahil umabot na sa term limits ay wala tayong masyadong problema, sapagkat otomatikong papalit sa kanila ang mananalo sa halalan sa naturang pwesto.
Ang medyo nakagugulo sa ating isipan ay ang mga mapapangahas na paratang na ipinupukol ng isang challenger kung baga sa isang kampeon na kinakatawan naman ng incumbent official. Pero dapat nating aminin na totoong may dapat palitan at ito ay nakadepende sa isang particular na lunan at posisyon.
Mahirap tanggapin na minsan ay kakulangan sa mga bagay-bagay kung kaya hindi masyadong kumukutitap ang panunungkulan ng ilan sa ating paligid, subalit sa kabila nito ay napapansin ng taumbayan ang kanyang pagsisikap upang mapabuti ang governance. May tali ang kamay kung ihahambing sa boksingero kaya’t hindi masyadong makapanagupa. Ugaling “ilokano” sa pagpapakawala ng mga biradas. Pati pagsuntok ay tinitipid! Paano ka magiging kampeon?
Hindi man ganap na performer ika nga ay larawan naman siya ng isang buhay na dibuho na binabatikos ng bagong aspirante na kung sa drawing ay isang krokis lamang. Wala pa itong tibay kung baga, puro sketch at hindi natin nalalaman kung siya ay obra maestra kapag nabuo na.
Wala tayong katiyakan kung siya ay magiging tapat kapag nagwagi na, o higit na mahusay sa nais nating palitan. Ito iyong tinatawag nating dilemma dahil wala nga tayong kasiguruhan, sapagkat kung siya’y nakaupo na’t nakatikim ng kapangyarihan ay baka maghari-harian lamang. Kung hindi man siya’y ang kanyang tatay? Ang kanyang nanay o dili kaya’y si kuya’t si ate? O ang kanyang mga taga-tambol na naghahangad din naman ng kaginhawahan sa buhay?
Masusing pagsusuri ang kailangan nating lahat. Kapag may narinig tayong paratang ay makabubuting tanungin natin ang ating mga sarili. Siya kaya ay hindi ganoon? Baka naman siya’y mas masahol pa? (SANDY BELARMINO)

Monday, June 15, 2009
HAPPY 18TH BIRTHDAY, ANAK
Luwalhati na sa isang magulang na tinutugon ng kanyang mga anak ang mga pagsisikap na madulutan sila ng magandang bukas sa kabila ng ilang mga kakulangan na bahagi ng buhay ng pamilyang Pilipino.
Ang lahat-lahat siyempre sa bahagi ng isang magulang ay nais niyang maipagkaloob sa kanyang mga anak, subalit talaga namang madalas hindi ipahintulot sanhi ng kakapusan.
Katulad na lamang sa nalalapit na 18th Birthday ng anak kong si Ana sa June 24, na minsan lang sasapit sa isang nagdadalaga sa lipunang ating ginagalawan. Sa katulad ng mga ganitong pambihirang okasyon na dapat katampukan ng isang masaganang pagdiriwang ay masakit para sa isang ama ang hindi makasunod sa ganitong kalakaran.
Nakadurugo ng puso na abutan na lamang siya, katulad ng mga nag-debut niyang mga kapatid: ng limang daang piso (P500) sapagkat batid mong hanggang pang-snack lamang ito sa isang fast food chain. Alam rin nating lahat na hindi ito matatawag na regalo.
Sa kabila nito ay kaluguran para sa isang magulang na kasiyahan ang isinusukli ng kanyang anak, na hindi naghahanap sa wala, hindi kinukwenta ang kakulangan at ni hindi naghahambing sa dapat sana’y maging mataas ang antas ng pagdiriwang.
Nakababagbag damdaming marinig buhat sa labi ng iyong mga anak ang unawa ng pagkakuntento sa mga bagay na hindi at kaya mong ibigay. Ang pagpapasalamat ng iyong mga anak na sabay-sabay mong pinag-aaral sa kolehiyo, sa kabila na ito’y sadyang tungkulin ng isang ama ay glorya na para sa ating mga magulang.
Kaya naman nitong nakaraang araw ng Linggo, June 14, nang ipinagdiwang ang Father’s Day ay hindi rin ako naghanap ng regalo buhat sa aking mga anak. Ang madama ko ang kanilang unawa ay sapat na, at itinuturing kong biyaya ng Poong Maykapal. (SANDY BELARMINO)

SEVEN LAKES FARMC CELEBRATES 4TH TILAPIA FESTIVAL
SAN PABLO CITY – In support of the Farmers and Fisherfolk Month this May, Seven Lakes FARMC celebrated its 4th Tilapia Festival recently at the vicinity of Sampaloc Lake, this city.
According to Mr. Edison Y. Jaramillo, President of FARMC and Regional Fisherfolk Director, this year’s theme: “Kabuhayan para sa Kaunlaran at Kasaganaan” inspired San Pablenos to showcase PITONG (7) PUTAHE NG TILAPIA, PITONG (7) LAWA NG SAN PABLO. Participants had the chance to taste for free the delicious Tilapia Pinangat, Tilapia Escabeche, Tilapia Afritada, Ginataang Tilapia, Inihaw na Tilapia, Tilapia Steak, at Adobong Tilapia.
Laguna Governor Teresita S. Lazaro, in a rare opportunity, delivered her message while barefooted afloat a balsa with SBM Atty. Karen Agapay, to the delight of the fisherfolks. She emphasized that San Pablenos and Lagunenses should be proud of the seven lakes, since there are no other cities in the world which have seven lakes in one city.
Meanwhile, guests and participants enjoyed watching the Relay Fun Run, Karera ng Balsa (Men, Women and Mixed Categories), the Tug-Of-War afloat in a balsa, the Samson ng Pitong Lawa and the Diwata ng Pitong Lawa. Other dignitaries include Board Member Rey Paras, Ms. Nieva Monton of the City Agriculture Office, and officials from the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Tuesday, June 9, 2009
INC BINABATI NI MAYOR AMANTE SA KANILANG 95TH ANNIVERSARY
Si Mayor Vicente B. Amante ay nagpapaabot ng pagbati at mataas na pagpapahalaga sa Iglesia Ni Cristo, sa kanilang paggunita ng Ika-95 Anibersaryo ng Pagkakatatag sa Pilipinas sa darating na Hulyo 27, 2009.
Ang lokal ng Iglesia Ni Cristo na natatag noong 1932 ay gumawa sa sekta na isa ng institusyon dito sa Lunsod ng San Pablo, kaya nadarama ni Mayor Amante kung ano ang pakitang halimbawa ng mga kagawad ng nabanggit relihiyon bilang mga mabubuting mamamayan ng lipunan.
Ikinalulugod na mabatid ni Amante na ang pagsasagawa ng isang Grand Evangelical Mission o Dakilang Pamamahayag ng mga Salita ng Dios, na isang pagdiriwang bilang paggunita ng ika-95 Anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo dito sa CALABARZON Area ay gaganapin sa Barangay Makiling sa Calamba City ay itataguyod ng Distrito Eclesiastico ng Laguna, na dadaluhan din ng mga aanyayahang panauhin mula sa mga Lalawigan ng Quezon, Batangas, at Cavite sa darating na Hulyo 27, 2009, simula sa ika-7:30 ng gabi.
Nabalitaan ni Mayor Amante mula sa mga kaibigan niyang INC member na ang pamamahayag na gaganapin sa Calamba City ay kasabay ng gaganapin sa iba pang rehiyon ng bansa. Magkakaroon din ng pamamahayag sa iba’t ibang bansa at teritoryong may mga lokal ang Iglesia Ni Cristo, na pawang gaganapin sa Hulyo 27, 2009 sa ganap na ika-7:30 ng gabi, batay sa kanilang local time.
Ang hinahangaan ni Mayor Amante sa mga kapatid sa Iglesia Ni Cristo ay ang tiyaga ng mga ito na dumalo sa kanilang tinatawag na “panata” o devotional prayer para hilingin ang ang pagtatagumpay ng ano mang itinataguyod nilang gawain. Halimbawa, sa pagtatagumpay ng isasagawa nilang pagdiriwang ng kanilang 95th Anniversary, napag-alaman niyang ang lahat ng lokal ng INC sa Laguna ay magsasagawa ng gabi-gabing panata simula Hunyo 26 hanggang Hulyo 26, 2009 sa ganap na ika-8:00 ng gabi, gayon pa man, nagagawang maayos ang pagtitipon-tipon, halimbawa dito sa San Pablo City, dahil sa may mga sinanay silang mga volunteers na tumutulong sa mga pulis para mapangalagaan ang kaayusan ng daloy ng trapiko, at katahimikan sa kapaligiran ng kanilang gusaling sambahan. (SLPC/Sandy Belarmino)

BAKIT BA AYAW?
May mga nagtatanong kay Kagawad-Kawad kung bakit tila alinlangan sa pagtakbo, na mas lamang ang sa hindi, bilang kagawad ng Sangguniang Panlunsod (SP) gayong may tsansa daw naman itong magwagi kung saka-sakali?!
Bago ang pagtalakay ay nais kong linawin na kung sa tsansa ang pag-uusapan ay katulad rin tayo ng lahat na meron nito. Ang kailangan lamang ay mag-file ng certificate of candidacy para matulad tayo sa lahat sa pagkakaroon ng angkop na pagkakataon, dangan nga lamang ay ayaw na ayaw nating gawin.
Ang tanong ay bakit nga ba ayaw na ayaw ni Kagawad-Kawad? Sa platapormang magiging KATAWAN at TINIG ng mga San Pableño ang inyong lingkod, aba naman ay may panalo tayo diyan lalo pa nga’t wala nang boses ang taumbayan sa ngayon sa nasabing kapulungan. Ika nga’y malat na’y paos pa at wala nang tagapagtanggol ang bayan sa SP.
Sabihin lang ni Kagawad-Kawad na siyento porsientong a-attend at laging maagang papasok sa bawat sesyon ng SP kapag naluklok ay siguradong panalo na ito sapagkat wala pa namang ganoong plataporma ang ating mga incumbent councilors at vice-mayor. Kakaiba ito na 100% ding kakagatin ng mga San Pableño.
Laging tapat na ipaglalaban ang interes at karapatan ng taumbayan sa SP at medyo kakaibang pagsusulong at plataporma – panalo tayo riyan – sapagkat kung may mga ganito sa kasalukuyan sa sanggunian ay hindi naman palagi silang tapat dahilan ang marami sa kanila ay mga sarili lang ang inaatupag at puro pampulitikang katayuan ang iniintindi. Biruan nga ng marami ay akala raw ng mga taga-SP ay si Mayor Vic Amante ang kanilang ginigipit subalit ang tunay daw na naaapektuhan ay ang mga San Pableño.
Lalo tayong panalo kung ipagsisigawan sa apat na sulok ng lunsod ang katiyakang taon-taon ay magkakameron ng annual budget ang lunsod para matugunan ang pangangailangan ng taumbayan. Na hindi natin iipitin ang annual budget sa ngalan ng pulitika. Panalo rin tayo kung sasabihing taos sa puso ang gagawing paglilingkod bilang kagawad o konsehal ng lunsod.
Ang mga ito ang tunay na kadahilanan kung bakit ayaw kong maging kagawad sa SP, sa dahilang tiyak na mabibisto ng mga San Pableño ang kakulangan, katamaran at kaplastikan ng ilan nating mga kagalang-galang na konsehal sa ngayon. (SANDY BELARMINO)

Subscribe to:
Posts (Atom)