STA ROSA City, Laguna - - - Nagsisimula nang pagdudahan ang tunay na layunin sa pagkakapasa ng Kapasiyahan Blg. 174-2008 sa Sangunaing Panglungsod (SP) dito na pinagtibay noong Hulyo 7, 2008 sanhi ng kakulangan ng kaukulang konsultasyon.
Ang kapasiyahan na inakda ni Kon. Jose CartaƱo ay humihiling kay Mayor Arlene Arcillas-Nazareno na atasan ang himpilan ng pulisya na ipiatigil ang pagpapahimpil ng Jam Liner sa parking area ng Jolibee sa Sta Rosa Commercial Complex,Barangay Balibago lungsod na ito.
Batay sa mga dokumentong nakalap ng pahayagng ito ay una ng nagkaroon ng Contract of Lease ang Jam Liner at Jolibee sa paggamit ng parking space sa harapan ng naturang establisimyento na kapwa sa kapakinabangan ng dalawang pribadong kumpanya sampu ng kanilang mga kostumer at commuters.
Kinuwestyon ni Jehu Sebastian, Pangulo ng Jam Liner ang SP sa tunay na pakay ng kapasiyahan -174-208 na ayon sa kanya ay tahasang nanghihimasok sa private contract na kinasasangkutan ng pribadong pag-aari. Idinugtong pa ni Sebastian na ni minsan ay hindi sila naipatawag ng SP gayong sila ang party of interest sa naturang kapasiyahan.
Kaugnay nito ay magsasagawa ng imbestigasyon si Konsehal Ronald Ian De Guzman, Chairman ng Committee on Transportation sa pamamagitan ng pagrepaso sa minutes of proceedings ng naturang kapasiyahan upang alamin kung paano ito nakalusot sa SP.
Si De Guzman ay hindi nakadalo nang pagtibayin ang kapasiyahan samantalang hindi naman natuloy noong Lunes ang sesyon dahil may sakit si Vice Mayor Alipon bukod sa kawalan ng korum.
Samantala,isang barker ng Jam Liner ang inaresto ng mga tauhan ni Balibago Chairman Rodrigo Malapitan noong Biyernes gamit ang bisa ng kapasiyahan 174-2008.Ayon kay Isaias Patapat Vice President ng kumpanya,ay nakapiit pa ang barker habang sinusulat ng balitang ito.
Dahil tanging ang Jam Liner lang ang ginigipit ay pinag-aaralan ng kumpanya ang paghaharap ng reklamo laban kay Malapitan. (NANI CORTEZ/pres. 7LPC)
Thursday, October 9, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment