Wednesday, March 26, 2008
TRANSPORT at FOOD TERMINAL, SINANG-AYUNAN NG ALKALDE
San Pablo City – Sinang-ayunan na ng local na pamahalaan dito ang dalawang resolusyong pinagtibay ng Sangguniang Panlunsod na may bilang 2008-65 at 2008-67 ukol sa pagtatayo ng Transport and Food Central Teminal upang maibsan ang lumalalang suliranin sa trapiko.
Sa kalatas na ipinadala ng pamahalang lunsod sa mga mamamahayag ay nagsasaad ng anunsyong: TO ALL LOT OWNERS IN SAN PABLO CITY- THE CITY GOVERNMENT OF SAN PABLO IS CURRENTLY LOOKING FOR 3-5 HECTARES PARCEL OF LAND LOCATED WITHIN 3 KM. RADIUS FROM THE SAN PABLO CITY PROPER FOR THE PROPOSED ESTABLISHMENT OF “TRANSPORT AND FOOD CENTRAL TERMINAL”, AS PER SANGGUNIANG PANGLUNSOD RESOLUTION NO. 2008-65 AND 2008-67, DATED FEBRUARY 5, 2008. ALL LAND OWNERS, INTERESTED TO SELL THEIR LAND TO THE CITY GOVERNMENT, MAY BRING OR SENT THE FF: (1) LETTER OFFER TO SELL, and (2) LOT PLAN, AT THE OFFICE OF THE CITY INFORMATION , 3RD FLOOR, 8TH STOREY BLDG., CITY HALL COMPOUND, SAN PABLO CITY, WITH TEL NO. (049) 562-3086 AND (049) 562-5743” tanda ng kanyang pagsang-ayon sa mga nasabing resolusyon.
Matagal nang idinaraing ng mga residente at mga nagdaraan sa city proper ang mabigat na daloy ng trapiko na kahit anong kautusan at regulasyong ipatupad ni Mayor Vicente B. Amante ay hindi malunasan sa patuloy na pagdami ng mga sasakyang nag-aagawan s mahalagang ispasyo ng lansangan.
Ang pagtatayo ng naturang terminal ayon sa resolusyon ang tanging makatutugon sa mga problemang ito, sapagkat malaking bilang ng sasakyan particular ang mga pampubliko ang doon na lamang papayagang magbaba at magsakay ng mga pasahero, ganoon din ang mga delivery trucks na kung pumarada sa public market ay sakop na ang buong lansangan.
Inaasahan ni Kon. Richard Pavico, ang may akda ng resolusyon na masisimulan ang proyekto ngayong taong ito. (NANI CORTEZ)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment