Cebu City –
Pinangunahan ng Tanggapan ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas, National Youth Commission (NYC), National Movement of Young Legislators (NMYL) ang parangal sa pitong lokal na mambabatas ng bansa na nakapagtala ng kahanga-hangang lehislasyon upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga kabataan sa pamayanan na kanilang nasasakupan.
Ang NYC-NMYL KAMPEON NG KABATAAN 2008 awardees ay sina: Kon. Richard C. Pavico, San Pablo City; Kon. Genevieve B. Caceres, Buhi, Camarines Sur; Kon. Rebecca V. Labit, Puerto Princesa City; Kon. Bonna Lita P. Aquino, Rodriguez, Rizal; Kon. Lynette C. Geonzon, Mingbanilla, Cebu; Kon. Rodolfo Tinio, Iriga City at Kon. Ronnel R. Borromeo, Tabaco City. Pinarangalan ang mga naturang mambabatas sa Waterfront Hotel sa lunsod na ito kaalinsabay ng NMYL convention na isinasagawa ngayon.
Nagwagi si Kon. Richard C. Pavico sa pamamagitan ng kanyang mga naisulong at napagtibay na mga ordinansang may bilang 2006-22, 2006-50 at 2005-21 na pawang kumakalinga sa kapakanan ng kabataan. Ang mga ito ay may kinalaman sa pagbalangkas ng Gender and Development Code, Reproductive Health Code at regulasyon ng internet café/computer game center sang-ayon sa pagkasunod-sunod.
Ang mga nagwagi ayon sa kalatas pagbati ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay napili dahil sa kanilang naihaing pagkakataon upang maitaas ang antas ng pamumuhay ng kabataan, samantalang sinabi ni NYC Usec. Alvin Nalupta na ang mga napagtibay na batas ng mga ito ay nakalikha ng kapaligirang angkop sa ikasusulong ng kabataan.
Itinatag ang Kampeon ng Kabataan ng National Movement of Young Legislators sa layuning dakilain ang mga isinusulong na batas sa iba’t-ibang panig ng bansa na nag-aangat sa kabataan, tipunin ang mga ito sa isang data bank at palaganapin ang kaalaman hinggil dito sa buong kapuluan. Ang NMYL ay pinangunguluhan ni Kon. Julian Coseteng ng Quezon City.
Si Kon. Chad Pavico ang pinakahuling nakapag-uwi ng karangalan sa San Pablo City. Una nang naparangalan sina Mayor Vicente B. Amante bilang Outstanding City Mayor of the Philippines, Congresswoman Ivy R. Arago bilang isa sa outstanding Congressman at Yolanda B. Deangkinay bilang outstanding Probation and Parole Officer ng DOJ. (SANDY BELARMINO/7LPC)

No comments:
Post a Comment