Chairperson-Executive Committee
San Pablo City Tourism Council
Lunsod ng San Pablo-
Umani ng tagumpay ang Lunsod ng San Pablo sa katatapos lamang na ANILAG 2008. Itinanghal na Bb. Laguna 2008 si Rodhalyn Pessina ng Barangay Sto. Niño, samantalang 2nd runner-up naman si Bb. Francheska Mica Villapando ng Barangay San Vicente.
Nakuha naman ni Lea Maria Hernandez ang unang karangalan sa Amateur Singing Contest (open division). Hindi dito natapos ang pagkakamit ng tagumpay sapagkat ang ikalawa at ikatlong karangalan sa Dance Showdown Competition ay nakopo ng Exclusive Terrorranger at Philippine Pirates Dance Groups na kapwa mula sa Lunsod na ito.
Sa Booth and Star Quest Competitions ay parehong nakamit ng San Pablo City ang ikatlong pwesto.
Ang pinagkalooban naman ng Best Tourism Establishments upang higit na patunayan ang mahahalagang ambag ng San Pablo sa paglago ng turismo sa panig na ito ng lalawigan ay ang mga sumusunod: Total Gas Station, Brgy. San Rafael - Best Gas Station; Maria Paz Resort, Brgy. Sta. Filomena - Best Resort; at CocoPalace Hotel, Brgy. San Francisco - Special Recognition. Kinilala rin si G. Blairwin Ortega bilang Outstanding Youth of Laguna at si G. Alex Cortez Outstanding Artist ng Laguna.
Lubos ang naging kasiyahan nina Mayor Vicente B. Amante at Unang Ginang Nercy Sahagun Amante, Executive Committee Chairperson ng San Pablo City Tourism Council, dahil muling napatunayan na ang Lunsod ng San Pablo ay hindi pahuhuli sa ano mang larangan. Gaya ng laging namumutawi sa labi ni Mayor Vicente B. Amante: "San Pablo City Laging Umaabante!" (sandy belarmino/jonathan aningalan)
No comments:
Post a Comment