Wednesday, September 16, 2009

HANDOG NI MAYOR AMANTE SA KANYANG KAARAWAN, MOBILE PASSPORT SERVICE SA OKTUBRE 24

Upang lalo pang maging makabuluhan ang pagdiriwang ng kaarawan ni Mayor Vicente Amante sa Oktubre 27 ay magsasagawa muli ang Pamahalaang Lunsod sa pakikipagtulungan ng Dept. of Foreign Affairs ng isang Regular Mobile Passport Service sa Oktubre 24, 2009 sa One Stop Processing Center mula 7:00 n.u. hanggang 3:00 n.h.

Ayon kay Mayor Amante ang mas mahalaga ay siya ang makapagbigay ng regalo o mga programa para sa kapakinabangan ng mga mamamayan ng lunsod sa kanyang nalalapit na kaarawan. Kaya taun-taon sa pagsapit ng kanyang kaarawan ay sinisigurado niya na siya ang makapagbibigay kasiyahan at tulong sa kanyang mga nasasakupan bilang sukli sa ipinakikitang suporta at pagmamahal ng mga taga Lunsod ng San Pablo.

Sa kagustuhan ng punonglunsod na huwag ng mahirapan at magastusan ng malaki ang mga taga-lunsod at mga karatig bayan ay isasagawa muli ang mobile passporting dito sa Lunsod ng San Pablo.

Kaya sa mga nagnanais na kumuha ng kanilang passport ay magsadya lamang sa City Mayor’s Office sa One Stop Center para sa application forms o kaya ay tumawag sa mga telepono 562-0863 o 800-2770 para sa katanungan at karagdagang impormasyon. And deadline ng submission ng application form at requirement ay hanggang September 30, 2009 lamang. (CIO-SPC)

No comments: