Saturday, December 18, 2010

THANK YOU PO

Dalawang linggo bago mag-pasko ay damang dama na sa simoy ng hangin ang kanyang pagsapit na walang kaduda dudang ito’y darating lalo na sa kabayanan na simula nang mapuno ng palamuti.

Ang Rizal Ave ng San Pablo ay tigib na ng pailaw sa kahabaan nito patungo sa City Plaza at San Pablo Cathedral, maliwanag na liwasan ang bubulaga sa sino mang manlalakbay dahil sa dinisenyong kaayusan ni City Administrator Amben Amante na tila dancing light na napakaamong pagmasdan.

Sa pinakagitna ay nandoon ang dalawang giant Christmas tree ng San Pablo City Water District(SPCWD) na nakapagitan sa water fountain na ang indayog ay sumasaliw sa kutitap ng mga Christmas lights. Hindi biro ang guguling ito na taon-taon ay pinasusumikapang maipagloob ng nasabing ahensya ng patubig para sa mga San Pableño.

______oOO______

Higit sa material na bagay na ating matatanggap ngayong kapaskuhan ay ang napagkassunduang tigil putukan ng pamahalaan at CPP-NPA mula Disyembre 16 hanggang Enero 3,2011. Mangangahulugan ito na pansamantalang makararanas ang ating mga kanayunan ng katahimikan at kapayapaan.

Ito ang pinakamalaking aginaldo na posibleng natanggap ng taumbayan partikular ang nasa magkabilang panig at masang na sa tuwina ay patuloy na nangangamba na maipit sa kanilan salpukan. Blessing din ito sa pamilya ng mga taga AFP at NPA sapagkat batid nilang walang dugo na dadanak sa mahigit na dalawang lingo.

Magkaganoon man ay patuloy tayong manalangin na walang sumuway sa ceasefire agreement sapagkat dito nakabatay ang ikapagtatagumpay ng usapang pangkapayapaan na kapwa nila isinusulong.

0-0-0-0-0

Hindi ko na iisa-isahin ang pasasalamat sa mga tumulong at sumuporta sa matagumpay na Christmas party ng Seven Lakes Press Corps kahapon, araw ng Linggo sa Patio Verde Restaurant. Talaga po naming lubos ang kagalakan ng lahat because in a short notice ay nagawa ng SLPC na mairaos ito.

Thank you po at Merry Christmas. (nani cortez)

No comments: