Makaraan lang ang ilang linggo ay parang isang poetic justice ang naigawad sa “Pinas matapos nating maranasang mabiktima ng hindi makatarungang travel advisory laban sa atin buhat sa Estados Unidos (US) at ilan niyang kaalyado.
Tulad ng nalalaman ng lahat, ito’y nabatay sa intelligence report ng US na ang ating kahinaan ang magiging sanhi upang pamugaran at pagmulan ng terorismo sa bahaging ito ng mundo na naging gospel truth upang sang-ayunan ng anim pang bansa, na kung hindi tayo nagkakamali ay kinabibilangan ng South Korea.
Ang injustice na ito na ipinukol sa ating bansa ang nagdulot ng malubhang epekto partikular sa aspeto ng turismo na isa sa pinagkukunan natin ng dolyar at nagbibigay ng maraming hanapbuhay para sa mga Pinoy.
Ikinairita ito ng ating gobyerno sa dahilang iniisyu ang travel advisory base sa tinatawag na “raw intelligence report” na kasing kahulugang hindi mapagkakatiwalaang sabi-sabi na posibleng umabot sa US embassy, nalagyan ng dry seal at ipinaabot sa Washington.
Sumatotal, kung hindi man huwad ang intelligence report ay ito’y sumisimbolo sa mahinang hinala na hindi pinag-isipang mabuti nang hindi na sana nakaapekto sa ating ekonomiya at nakapagpabawas sa tiwala ng mga Pinoy sa mga ipinahahayag ng Estados Unidos.
0-0-0-0-0-0-0-0-0-0
Binomba ng North Korea ang isang isla na nasasakop ng South Korea nang nakaraang linggo na hindi namalayan o nahigingan man lamang ng CIA ng Estados Unidos o maging ng intel community ng South Korea.
Iisa ang mensahe ng pangyayaring ito- ang huwag kang makialam sa panloob na suliranin ng nagsasariling bansa, bagkus ay unahin mo ang iyong sariling interes. Dapat mabatid ng lahat na libo-libo ang kawal Amerikanong nakahimpil sa South Korea subalit sa kabila nito ay nalusutan sila ng kaaway kahit may mahigpit at disiplinadong paniniktik.
Maging aral sana ito. The bombing of the North to South Korea should teach United States a lesson and the victim country as well to enhance their intelligence community to prevent it to happening again. And despite the tension in that peninsula, South Korea must be informed that the Philippines as an ally has yet to issue travel ban. Not Yet!
Thursday, December 2, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment