Tatagal sa isang buwan ang pagdiriwang ng Pasko sa lunsod na ito bilang handog ni Mayor Joaquin “Jun” Chipeco at Sangguniang Panlunsod sa mga Calambeño ngayong Disyembre at darating na buwan ng Enero 2011.
Ang Pasko sa Calamba 2010 ni Mayor Chipeco ay may temang “Nagpupuri, Nagmamahal at Nagbibigay”, at katulong ng alkalde sa programang ito ang DepEd Calamba, mga NGO’s, mga barangay chairman at mga department head ng kapitolyo.
Opisyal na sinimulan ito sa pagpapailaw ng mga Christmas tree sa Brgy. Punta para sa Calamba Upland Barangay Association (CUBA) at Brgy. Canlubang Disyembre 3 at sa Pamilihang Panlunsod, Baywalk ng PALISAM (Brgys Pangingan, Lingga at Sampiruhan) at City Plaza noong Disyembre 4.
Ngunit bago rito ay napasimulan na ni Mayor Chipeco ang pamamahagi ng hygiene kit sa mga piling paaralan ng lunsod mula Disyembre 1 na magtatagal hangang Disyembre 14, nakapagtaguyod ng JOBS FAIR noong Disyembre 4, at nailunsad ang food fair sa City Plaza Disyembre 5 hanggang Disyembre 30.
Ang iba pang naka-programa sa Tanggapan ng Alkalde ay ang mga sumusunod: Disyembre 8, Christmas Party for special children; Disyembre 8, kasalang bayan; Disyembre 10, caroling sa City Jail at Bahay ni Maria; Disyembre 13, Tulayaw/Sayawit sa City Plaza, Disyembre 14, street dancing at Disyembre 15-16, SAGIP (Share a Gift).
Samantala, ayon kay City Information Officer Chris Sanjie ay may gabi-gabi ring pagtatanghal na ihahandog si Mayor Chipeco sa City Plaza mula Disyembre 16, DepEd elementary schools; Disyembre 17, DepEd secondary schools; Disyembre 18, CAPRISAA I; Disyembre 19, CAPRISAA II; Disyembre 20, Lions Club/Rotary Club; Disyembre 21, DILG/SK/ABC; at Disyembre 22, City Government/City College,
Napag-alamang ang mga programa ay nailunsad bilang pagtanaw ng utang na loob ng alkalde sa mga Calambeño na patuloy na naniniwala sa kanyang liderato at sa walang hanggang pagsuporta ng mga ito sa kanyang anak na si Laguna 2nd District Congressman Timmy Chipeco.
Thursday, December 9, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment