San Pablo City, Laguna- Bukod sa mardi gras, beer plaze at gabi-gabing pagtatanghal sa liwasang lunsod ay magiging tampok rin ang timapalak kagandahang Lakan at Mutya ng San Pablo sa gaganaping Coconut Festival sa Enero 8-16 sa susunod na taon.
Ngayon pa lang ay lubusan na ang ginagawang paghahanda ukol dito makaraang mapili ang tig-15 finalist sa isinagawang elimination round kamakailang sa tulong ng Circle of Fashion Designers ng lunsod na binubuo nina Archie FandiƱo, Chris Gamo, Raul Eje, Chiva Siason, Jenny Belen, Nikki Hernandez, Louie Pangilinan at Atang Concibido.
Sa 15 pares ng contestant ay lima ang mananalo ng major prize kung saan magtutunggali sa titulong Lakan at Mutya, Mr and Miss Cocofest at Ginoo at Bb. San Pablo, samantalang ang dalawa ang tatayong runner-up.
Iba’t ibang uri ng award ang naghihintay sa mga candidates ayon kay Concibido, batay sa kani-kanilang katangian at performance tulad ng Ms. Talent, Photogenic, Darling of the Press, Best in Gown, Best in Swim Wear at marami pang iba na ipagkakaloob ng mga beauty products na tumatayong sponsors.
Ang mga lakan candidates na magtatagisan sa kisig at talino ay sina Aaron Joshua V. Carada, Allerson Exconde, Marvin A. Plazo, Jerome Lormeda, John Brett Shanty M. Tiongson, Jos Mari C. Gipal, San Kirvin Reyes, Ezekiel Almanza, Mark B. Dikitan, Jayvee C. Dimaano, Jerahmeel Tolentino, Mark Joseph Simon, Whilmart Dave A. Camado, Timothy Benedict Anastacio at Leslie Enero.
Samantalang ang mga dilag sa Mutya ay sina Charisse B. Bueser, Glady’s Bernardino, Angele Coline V. Quitain, Jaziel C. Cuenca, Mariz Ysabelle Amante, Jellence S. Macatangay, Marie Anthonette B. Alimagno, Angelica Oba, Darian Michaela Bajade, Jam Kenneth Manahan, Angelica Carandang, Carmela A. Alvarez, Jennifer M. Jarique. Charmaine L. Cortez at Mari Karlette L. Espinosa.
Nakatakdang gawin ang coronation night sa Enero 12, 2011 at ang magwawaging mutya ayon kay pageant director Egay Victorio ay ang magiging opisyal na kinatawan ng lunsod sa taunang Anilag Festival ng lalawigan.
Nagsimula ang Coconut Festival labing-anim na taon nang nakalilipas bilang proyekto ni Mayor Vicente B. Amante at ngayo’y pinamamahalaan ni City Administrator Loreto “Amben” Amante sa tulong ng mga NGO, civic groups at mga bahay kalakal sa lunsod.
Thursday, December 9, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment