Monday, July 5, 2010

SP NI PABLOY

Opisyal nang nagsimula ang pang-anim at huling termino ni Mayor Vicente B. Amante sa bisa ng kanyang reeleksyon nang nakaraang halalan at inaasahang ibayo pang kaunlaran ang kanyang maihahatid sa Lunsod ng San Pablo sa susunod pang tatlong taon.

Napatunayan naman ang husay ni Mayor Amante sa ngalan ng pamamahala lalo na sa ikabubuti ng kanyang nasasakupan, na ang isang halimbawa dito ay ang ginawang panggigipit sa kanya ng mga kalaban sa pulitika, kung saan ang lahat ng kanyang mga proyektong isinusulong ay pilit hinaharang.

Sa dalawang taong nakalipas ay nagtagumpay ang kanyang mga kaibayo na huwag ipasa sa Sangguniang Panlunsod (SP) sa tamang panahon ang taunang budget, subalit hindi nagpatinag ang punong lunsod at sa halip ay ipinagpatuloy ang mga balaking kinakailangan ng mga kababayan.

Kahit sa huling sandali ay naging maigting ang pagkontra ng kanyang mga kalaban sa pulitika sa pagbubukas ng bagong gawang San Pablo City General Hospital (SPCGH), na sa halip ayudahan ng konseho ang alkalde ay pinapanghina ang loob upang huwag muna itong mabuksan.

Subalit lubhang kinakailangan nang maglingkod ang SPCGH sanhi na rin ng kakulangan ng pagamutang matatakbuhan ng mga pasyenteng indigent. Wala ng panahon upang maghintay pa sapagkat kumakatok na sa tanggapan ng alkalde ang mga mahihirap na pasyente na dumadaing sa dagdag pahirap ng mga pribadong pagamutan..

Salamat na lamang at kahit may nagawang pagkukulang ang Sangguniang Panlunsod ay hindi tumigil si Mayor Amante sa pagharap ng kaparaanan upang tuluyan nang makapaglingkod ang SPCGH bilang pagamutan ng lunsod, na kahit hindi tumugon ang SP ay maagap ang naging pagsaklolo ng mga kaibigang senador ni Mayor Amante.

Ngayon kahit paano ay bukas na ang SPCGH at naglilingkod na sa mga San PableƱo. Kapuna-punang sa pagbubukas ng SPCGH gamit ang mga limos na budget ay kasabay namang nawala at hindi na ibinalik sa panunungkulan ang mga mahigpit na kumontra dito.

Inaasahang sa bagong komposisyon ng SP ay hindi na daranasin ng lunsod ang pagkakaroon ng reenacted budget at ibayong paglilingkod ang maihahatid kay Pabloy. (sandy belarmino)

No comments: