San Pablo City- Pinangunahan ni Mayor Vicente Amante ang ginanap na San Pablo City Tourism Council Meeting at Fellowship nuong Agosto 28, 2009, ganap na ika-1:30 ng hapon sa CHO Extension, Brgy. San Jose.
Ang nasabing pulong na binuo ni Tourism Coordinator Donnalyn Eseo ng Tourism Affairs Office, Gng. Lerma Prudente, Pangulo ng San Pablo City Tourism Council at City Information Officer Leo Abril ay dinaluhan ng may humigit kumulang na 60 mga resort, restaurant, hotel owners; mga pinuno ng iba’t-ibang tanggapan ng city at national gov’t, private sectors, FARMC officers and members, at ilan pang panauhin. Nakiisa rin sa pulong sina P/Supt Raul Bargamento, DILG Officer Herminia Arcelo at Councilor Gel Adriano.
Pangunahing tinalakay sa pulong ang pagbubuo ng San Pablo City Tourism Council para sa promosyon ng lunsod bilang isang “prime tourist attraction” para sa darating na 70th Charter Anniversary sa 2010.
Kaya naman nagbigay na ng kanyang lubos na suporta si Mayor Amante sa mga programa ng turismo sa lunsod. Ayon sa kanya ay nararapat bigyan ng atensyon ang development ng mga natural resources ng lunsod na kinabibilangan ng Seven Lakes at iba pang mga tourist attractions.
Ayon naman kay Gng. Prudente ay kinakailangang makabuo ang grupo ng isang short term development plans para sa City Plaza, Seven Lakes, City Hall Complex at pagtatayo ng isang Coco Village.
Sa iba’t-ibang suggestions at recommendations ng lahat ng dumalo ay iminungkahi muna ang pagbubuo ng isang constitution at by-laws na siyang magiging batayan ng mga gawain ng magiging officers at committee members na bubuo ng tourism council.
Kaya bago natapos ang pulong ay nag-appoint ang punonglunsod ng mga miyembro ng isang Interim Committee upang siyang gumawa at bumuo ng nasabing by-laws. Nahirang bilang Chairman si Judge Bienvenido Reyes kasama sina Gng. Lerma Prudente, Councilor Gel Adriano, Gng. Eva Ticzon at CIO Leo Abril. (CIO-SPC)
Friday, September 4, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment