Friday, September 4, 2009

ACTIVITIES SA WORLD AIDS DAY BINUO NG LAC

San Pablo City- Sa hiling ni Mayor Vicente Amante bilang Local Aids Council (LAC) Chairman ay muling nagpulong ang mga miyembro ng LAC sa pangunguna ni Councilor Chad Pavico, LAC Vice-Chairman at ni Dra. Mercydina Caponpon, Social Hygiene Clinic Head, City Health Office, upang pagtibayin na ang iba’t-ibang activities o programa para sa pagdiriwang ng World Day Aids sa Disyembre 1, 2009.

Isinagawa ang pagpupulong nuong September 2, 2009 sa CHO Main Office ganap na ika-3:00 n.h. na dinaluhan ng mga pinuno at representative ng bar association, peer educators, PNP, Women’s Federation, Red Cross-SPC Chapter, DILG, JCI-San Pablo, CIO, DepEd, PSAF, CPDO at iba pang LAC members.

Una munang pinagtibay ng grupo ang official logo ng council kung saan makikita dito ang official seal ng Pamahalaang Lunsod. Pangunahing activity na isasagawa sa WAD ay ang ribbon cutting at turn-over ceremony ng Condom Corner sa Shopping Mall at Battle of the Bars (Clubs at GRO’s) at Gay Boxing na gaganapin sa PAMANA Hall. Bahagi rin ng programa ang pagsasagawa ng film showing sa AIDS awareness para sa mga TODA members na itataon sa seminar ng grupo sa November.

Iniulat naman ni Dra. Caponpon na sila ay nagsagawa ng isang raid ng mga bars sa kahabaan ng Maharlika Highway nuong Agosto 28. Ang mga na-raid na bars ay napag-alamang nag-ooperate sa nakaraang dalawang buwan ng walang kaukulang business permits. Nakahuli rin sila ng 6 unregistered GRO’s sa Day & Night at 5 GRO’s sa Lucky 3 Bars. (CIO-SPC)

No comments: