San Pablo City- Upang lalo pang patibayin at palakasin ang Barangay Council for the Protection of Children o BCPC ay muling nagsagawa ang CAPIN (Child Abuse Protection and Intervention Network) sa pakikipagtulungan ng Open Heart Foundation Worldwide, Inc. ng isang araw na seminar ukol sa DILG MC 2008-826 “Revised Guidelines in Monitoring Functionality of Local Council for the Protection of Children (LCPC) at All Levels” nuong Setyembre 1, 2009, ika-9:00 n.u. sa ABC Hall. Ito ay dinaluhan ng mga barangay officials na miyembro ng BCPC mula sa iba’t-ibang barangay ng lunsod.
Ang CAPIN sa ilalim ng Office of the Social Welfare and Development ay ang siyang local implementing arm ng LCPC kung saan si Mayor Vicente Amante ang Honorary Chairman samantalang ang BCPC naman ay sa barangay level.
Ipinaliwanag ni G. Derrick Zonio, Training and Advocacy Officer ng Open Heart Foundation ang mga guidelines o pamantayan para masabing functional o patuloy na isinagawa ng BCPC ang tungkulin nito sa barangay.
Ipinaliwanag din ni G. Zonio ang mga criteria para sa assessment ng isang BCPC. Isa na rito ay ang organization kung saan dapat mayroon ng mga naipasang resolusyon at ordinansa ang barangay kaugnay sa mga batas para sa proteksyon ng mga bata. Nararapat din na mayroon ng isang organizational chart ang bawat BCPC upang malaman kung sino ang mga taong maari lamang humawak ng mga kaso hinggil sa mga bata.
Kinakailangan rin na may regular quarterly meeting ang bawat barangay. Magiging basehan rin dito ang mga nagawawang policies, plans at budget at mga accomplishments.
Tinalakay din ang iba pang kaugnay na batas tulad ng RA 7610 (Child Abuse Law ), RA 7658 (Child Labor Laws), RA 9208 (Child Trafficking), RA 9262 (Anti Violence against Women and Children) at iba pa. (CIO-SPC)
Friday, September 4, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment