San Pablo City- Isang simpleng programa ang isinagawa ng Pamahalaang Lunsod para sa pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani nuong Agosto 31, 2009 ng umaga sa Bantayog ng mga Kawal ng Bataan at Corregidor, Dona Leonila Park.
Pinamunuan ni City Admin Loreto Amante ang programa kung saan naging panauhin din sina G. Ely Flores, Educ. Supvr. Social Studies Secondary, DLSP; Former Vice-Mayor Palermo Banagale at Coun. Gel Adriano. Dumalo rin ang grupo ng Veterans Federation, Barangay Chairmen, Pinuno at Kawani ng Pamahalaang Lunsod, national agencies at iba’t-ibang NGO’s at civic orgs.
Ayon kay G. Flores ang pagbubuwis ng buhay sa bayan ang pinakamataas na antas ng kabayanihan o kagitingan. Subali’t mayroon di namang mga simpleng paraan upang makapaglingkod bayan tulad ng pagiging isang mabuting tao at pagtupad ng tungkulin sa gobyerno, paaralan, komunidad at bayan.
Nanawagan naman si G. Banagale na muling ibalik ang paggalang sa mga miyembro ng kapulisan at pagtitiwala ng mga magulang sa lahat ng mga guro. At patuloy na paglahok ng mga kabataan sa mga ganitong pagdiriwang.
Sa mensahe naman ni City Admin Amante ay nanawagan siya ng muling pagsasabuhay ng mga ginawa ng ating mga bayani at di naman kailangan magbuwis ng buhay, manapa’y magsagawa ng mga mabubuting gawain para sa kapwa.
Patuloy na pagbuhay sa diwa ng demokrasya sa lunsod ang hiling naman ni Coun. Adriano sa lahat ng dumalo. At gawing inspirasyon ang diwa ng kabayanihan na nagawa ni Ninoy Aquino at dating Pangulong Cory.
Natapos naman ang pagdiriwang sa pamamagitan ng pag-aalay ng mga bulaklak ng lahat ng grupong dumalo sa paanan ng nasabing Bantayog ng mga Kawal ng Bataan at Corregidor. (CIO-SPC)
Friday, September 4, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment