Wednesday, September 16, 2009

SPC MEDICAL SOCIETY NAGSAGAWA NG MGA PROGRAMA PARA SA PAGDIRIWANG NG 106TH FOUNDATION DAY NG PMA

San Pablo City - Kaugnay ng pagdiriwang ng 106th Foundation Day ng Philippine Medical Society (PMA) nuong Sept. 15, 2009, iba’t-ibang programa at proyekto ang isinagawa ng San Pablo City Medical Society (SPCMS) kung saan ang tema ay “Manggagamot, Mamamayan, Pamahalaan Nagkakaisa sa Kalusugan”.

Pangunahin na dito ang pamumuno sa nakaraang Pagtataas ng Watawat ng Pamahalaang Lunsod nuong Sept. 14, 2009 ng mga miyembro at opisyales ng samahan na sina Dra. Marisonia Belen-Tan, Vice-Pres., Dr. Emmanuel Loyola, Former Pres., PMA Governor at City Mayor’s Medical Consultant on the SPC General Hospital; Dra. Cynthia Sanchez; Dra. Natividad Cariaga at Dr. Norman Alidio.

Ayon sa mensahe ni Mayor Vicente Amante napapanahon ang tema ng PMA kung saan mahalaga ang pagtutulungan ng mga duktor at mamamayan lalo’t para sa pagsulong ng mga health program at services na ipinatutupad ng pamahalaang lunsod. Kaya naman hinihingi ng butihing mayor ang lubos na pagtulong mga miyembro ng SPCMS lalo’t higit sa kasalukuyan na ipinatatayo ng punonglunsod sariling hospital para sa lahat ng mamamayan ng Lunsod ng San Pablo.


Isinagawa rin ng samahan ang Medicine Week nuong nakaraang Sept. 20-26, 2009. Nagsagawa sila ng wreath laying ceremony sa Rizal Monument nuong Sept. 20, pagkatapos ay isang pag-aalay ng isang misa sa SPC Medical Center; photo exhibit opening ng SPC nature/view sa medical center lobby at Alay Lakad sa Sampalok Lake; Sept. 21- Medicup 2 Badminton Tournament sa Greencourt, Vesco, Subd., Sept. 22-National Medical Screening Day/Free Clinic in partnership with Emerald Lions Club; Singing Physicians Elimination Round at Scientific Lecture on Diabetes sa Palmeras Restaurant; Sept. 23- Singing Contest PMA National Office, Quezon City at Anti-Tobacco Campaign Lecture; Sept. 24-Introduction to Golf at Sto. Nino Driving Range at Fellowship Night nuong Sept. 30. (CIO-SPC)

No comments: