Wednesday, May 11, 2011

SM CITY SAN PABLO, KAISA SA NATIONWIDE JOB FAIR

San Pablo City, Laguna - Matagumpay na naisagawa dito ang Jobs Fair sa pakikipagtulungan ng SM City San Pablo at Department of Labor and Employment (DOLE) kahapon, Mayo Uno bilang handog sa mga San PableƱo sa Araw ng Paggawa.

Bahagi ang nasabing gawain sa isinulong na nationwide Jobs Fair ng DOLE at SM Malls sa buong kapuluan kung saan nilahukan ng maraming pagawaan, tanggapan at bahay kalakal na nangalap ng mga manggagawa para sa mga bakanteng posisyon sa kanikanilang kompanya.

Ang Jobs Fair sa Atrium ng SM City San Pablo ay binuksan nina Mall Manager Timothy Gabriel Exconde, PR Manager Mara Roxas at DOLE Senior Labor Employment Officer Lorena Gacosta na maghapong naglingkod sa mga aplikante, sa tulong ni San Pablo City PESO Officer Melinda Bondad.

Kahit dinagsa ng mga aplikante ay naging maayos ang daloy ng aktibidad dahil sa sistematikong pamamaraan na ipinatupad sa SM City San Pablo Atrium sanhi upang mapaglingkurang lahat ang mga nagsipag-apply.

Tinatayang lalampas sa isang libo ang mga aplikanteng nag-apply dahil umaga pa lang ay dagsa na ang mga nagpatala sa PESO counter ng atrium.


No comments: