Mga balita at kaganapan sa Lunsod ng San Pablo at sa buong Calabarzon area.
Sunday, February 22, 2009
AQUIVIDO BAGONG CHAIRMAN NG BRGY 7-E
Nasa larawan si Kgg. Emerson D. Aquivido (kaliwa) habang nanununpa sa katungkulan bilang chairman ng Brgy VII-E. Si Aquivido ang pumalit sa namayapang Punong Barangay Recaredo “Boyet” Dioso. Pinamahalaan ni Mayor Vicente B. Amante ang nasabing okasyon at sinaksihan ng may bahay ng bagong chairman at mga opisyales ng barangay. (SANDY BELARMINO)
Ang nasa larawan ay ang One Stop Shop Processing Center na itinayo ng administrayon ni Mayor Vicente B. Amante. Ang naturang gusali ay ang kauna-unahan sa buong kapuluan at ito ang naging modelo ng lahat na lokal na pamahalaan upang ang mga ito'y higit na makapaglingkuran sa kani-kanilang mamamayan.
No comments:
Post a Comment