Monday, March 24, 2008

BAGONG SCHEDULE NG MGA HEALTH CENTERS, INIHAYAG

San Pablo City - Ipatutupad ng City Health Office (CHO) ang pagtatalaga ng mga manggagamot sa limang health center ng lunsod mula Abril, 2008 upang higit na mapaigting ang serbisyo sa pangangalaga ng kalusugan ng bawat mamamayan sa lunsod na ito.

Sa direktibang inilabas ni Dr. Job Brion, City Health Officer ng lunsod, ay malinaw na ipinababatid ang pagtatalaga ng mga manggagamot sa mga satellite offices ng CHO upang maiwasan ang pagsisiksikan sa main office ng nasabing tanggapan nang sa ganoon ay higit silang mapaglinkuran.

Araw-araw (Lunes hanggang Biyernes) ay may nakaduty na manggagamot sa mga Health Center sa Bagong Pook, Del Remedio at Barangay II-D sa may gawi ng palengke; Lunes, Meyurkules at Biyernes sa Brgy. Sto. Cristo Health Center; samantalang Martes at Huwebes sa Brgy. Concepcion Health Center.

Pinapayuhan ang mga pasyente na magsadya sa mga nasabing health center batay sa bagong iskedyul para sa mga kaukulang konsultasyon. (SANDY BELARMINO)

1 comment:

Unknown said...

Gusto kong magkaroon ng aesthetics dibdib. Naghahanap ako para sa isang plastic siruhano sa Turkey.
Memeestetiği