Friday, November 12, 2010

VM ANGIE YANG, PASADO SA UNANG 100 ARAW

San Pablo city, Laguna – Kaalinsabay ng pagsasanay kaugnay ng kanyang bagong tungkulin bilang bise alkalde ng lunsod na ito ay buong katiwasayan naipasa ni Vice Mayor Angie Yan ang kanyang unang 100 araw sa katungkulan.

Unang sumailalim si VM Yang sa mga kombensyong may kinalaman sa local legislation, Palawan; fiscal governance, Cebu at Tourism, Subic bago niya isinailalim ang mga kawani ng kanyang tanggapan sa Staff Development and Team Building for effective leadership sa Lunsod ng Calamba.

Sa nalolooban ng panahong ito ay nahalal din ang bise-alkalde bilang treasurer ng Vice-Mayor League, Laguna Chapter at miyembro ng Lake City Lions Club.

Naging pinaka-malaking kontribusyon ni Vice Angie (ang tawag sa kanya ng mga kababayan} ang pagkakapagtibay ng Annual Budget ng lunsod na ilang panahon din nagtiis dahil binimbin ng nagdaang komposisyon ng Sangguniang Panlunsod (SP).

Dahil sa liderato ni Vice Angie ay naipasa rin ng SP ang annual investment plan at annual development plan ng lunsod na siyang batayan sa pagpapatupad ng mga proyekto ng lokal na pamahalaan.

Ang ilan pang ordinansa na napagtibay ng SP ay moratorium sa implementasyon ng cedera ordinance, regulasyong nauukol sa mga internet café, at ang pagtatalaga ng business identification number (BIN) sa mga business establishment ng lunsod, bukod pa sa mahigit na 300 resolusyong naipasa.

Kahit abala ang bise-alkalde sa opisyal na pagganap sa tungkulin ay nakapagsulong din siya ng mga programang binubuo ng mga sumusunod na proyekto: 7 Point Program (Isang Linggong selebrasyon na may temang “Pantay na paglingap sa bawat mamamayan,” Livelihood program/trade fair, Tree Planting sa Mt. Ubabis, On the spot drawing/Essay writing contest, Lugawan sa riles kung saan siyam na barangay ang natulungan, Beauty Caravan at pakikiisa sa mga senior citizen.

Nakapagsagawa rin si Vice Angie ng medical mission/blood letting, talent search para sa mga kabataan, jobs fair at ang patuloy na pag-alalay sa mga indigent sa pakikipagtulungan ni Mayor Vicente B. Amante.

“Ang mga accomplishment na ito ay handog sa mga nagtiwalang San Pableño sa akin” ani Vice Angie. “At kailan man ay hindi ko sila bibiguin.”

No comments: