Thursday, November 18, 2010

DISIPLINA

Napakapalad ng bawat Pinoy sapagkat nabiyayaan ng isang kababayan sa katauhan ni Manny “Pacman” Pacquiao na kahapon lamang ay nasungkit ang Championsip Belt sa walong dibisyon sa larangan ng boxing, na marahil ay habang panahon ng mananatili sa talaan ng pambihirang kakayahan.

Sa ipinamalas ni Pacquiao ay muling nalagay sa positibong pagtingin ng mga banyaga ang Pinoy na maituturing na pinakamalaking ambag ng boksingero sa ating bansa.

Ngunit dapat natin mabatid na ang tagumpay na ito ay may kalakip na sakripisyo st disiplina sa panig ni Pacquiao sanhi ng ginawa niyang walang humpay na pagsasanay makuha lang ang karangalan para sa kapwa Pinoy.

Maging simula sana ito at maging eye opener para sa ating lahat upang matuto tayong magsakripisyo at magpatupad ng disiplina sa ating mga sarili, nang sa ganoon ang bansa natin ay makabangon.

Hindi pa huli ang lahat sapagkat nabuksan na ni Pacquiao ang ating isipan na buhaying muli ang disiplina para sa ating bayan.(TRIBUNE POST/nani cortez)

No comments: