Friday, November 12, 2010

3 MAUBEÑAS, NAILIGTAS SA PROSTITUSYON

San Pablo City – Tatlong kabataang babae mula sa bayan ng Mauban, Quezon ang nailigtas sa prostitusyon makaraang umaksyon ang CAPIN (Child Abuse Protection and Intervention Network) sa ilalim ni OCSWD Chief Grace Adap at Woman and Children Protection Desk (WCPD) ng San Pablo PNP.

Bago rito ay naunang isinugo ni Mauban Mayor Ferdinand Llamas si PO3 Jocelyn Torres ng Mauban MPS sa CAPIN kaugnay sa gagawing rescue operation.

Sa joint operasyong isinagawa ay napag-alamang ang isang biktima na ating kikilanling alyas Julia, 17 anyos, ay nakauwi na bago pa man ang aktwal na pagliligtas sa dalawa pang kasamahang naiwang magkapatid na sina Andrea 17 at Allesa 15, pawang hindi tunay na pangalan.

Nabatid sa pagsisiyasat na unang naglayas si Allesa at hinikayat ang kabarangay na si Julia na mamasukan sa Alice Videoke Bar ditto.

Sa kabilang dako ay humantong si Andrea sa naturang videoke bar sa paghahanap sa nawawalang kapatid na sa kalauna’y nanatili na rin doon upang ito’y mapangalagaan.

Kabilang sa matagumpay na rescue operation sina WCPD Officer Anita Flores, Loren Maniego, Marlyn Escondo, mga kagawad ng San Pablo CPS at Mauban MPS. Nagbabala si Adap na mananagot sa batas ang may-ari ng nasabing videoke bar. (NANI CORTEZ)

No comments: