San Pablo City - May lakip na pang-unawa, kahinahunan, pagpapatawad at buong pagpapakumbabang tinanggap ni Congresswoman Maria Evita Arago ang mandatong ipinagkaloob ng mga mamamayan ng ikatlong purok ng lalawigang ito sa kanyang pangalawang termino.
Idineklara ng Laguna Provincial Board of Canvasser (BOC) si Arago na nagwagi sa reeleksyon sa bisa ng kalamangang 62,827 laban sa pinakamalapit niyang nakatunggali kaalinsabay ng proklamasyong nang nakaraang Miyerkules ng hapon.
Lumulan ang kandidatura ni Arago sa kanyang mga naging accomplishment bilang mambabatas ng 14th Congress kung saan laging napipiling outstanding congressman sanhi ng mga naisulong at isinusulong na panukalang batas sa plenaryo ng kongreso.
Bukod dito ay ibayong kaunlaran ang naihatid ni Arago sa distrito ang nakatawag pansin sa taumbayan na may pagsasaalang-alang upang muli siyang ihalal.
Kaugnay sa nasabing proklamasyon ay nanawagan ang kongresista sa bawat isang mamamayan na kalimutan na ang pulitika sapagkat sa likod nito ay nandoon pa rin aniya ang maraming hindi pa natatapos na gawain na higit na mapagagaan kung tuluyang magkakaisa ang lahat.
Nagbigay pa ng kasiguruhan si Arago na mas lalong pagbubutihin ng kanyang tanggapan ang paglilingkod ng walang pagtatangi, kaalyado o naging kasalungat man nang nakaraang halalan.
Tuesday, May 18, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment