Noong nakaraang Martes, ika 26 ng Mayo, ay matagumpay na naisagawa ng M. Lhuillier Pawnshop ang libreng pagtutuli sa 44 na kabataan ng Brgy. San Jose (Malamig), Lunsod ng San Pablo. Sa ilalim ng programa ng M. Lhuillier SEL OPEC ay patuloy na isinasagawa ng naturang kompanya ang pagkakaloob ng pag-alalay at pagtulong sa mga maralitang mamamayan sa mga bayan at lunsod na may mga sangay ang M. Lhuillier. Nakabalikat at nakaisa sa programang ito ang pamunuan ng Brgy. San Jose sa pangunguna ni Brgy Chairman and ABC President Gener B. Amante, San Pablo City Health Office na kinatawan ni Dra. Celino at mga nurses nito, at sa panig naman ng M. Lhuillier Pawnshop ay sina Regional Managers Melvin Balanghic, Ricardo Rioflorido, Roelito Ventocilla at Jason Lopez. Katuwang din sina Josephina Umali, Dominador Viñas, Maricel Calimlim, Caroline Gonzales at Miracle Miranda. Sa lunsod ng San Pablo ay matatagpuan ang sangay ng M. Lhuillier sa M. Basa at Flores Sts. Kung saan ay nagseserbisyo sila ng Quick Cash Loan, Money Changer, Assurance Plan at ML Kwarta Padala. (SANDY BELARMINO/VP Seven Lakes Press Corps)
Tuesday, May 26, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment