Friday, June 25, 2010

ANG PAGDALAW SA TIMES STREET


Masayang binisita nina 3rd District of Laguna Rep. Maria Evita “Ivy” Arago-Gapit, Atty. Hizon at. Mrs. Eva Arago sina President Noynoy Aquino at Senador Mar Roxas sa tahanan ng mga Aquino sa Times St., Lunsod ng Quezon, noong nakaraang Miyerkules, Hunyo 23. Si Pangulong P-noy at Senador Mar ang mga tumayong sponsors sa pakikipag-isang dibdib ni Cong. Arago kay G. Henry Gapit. Layunin ng dalawang ninong ni Ivy na maging regular ang ganitong mga sandali upang magpapatuloy ang ugnayan nila sa isa’t-isa na higit na magpapayabong sa magandang pagkakaibigan ng kanilang mga pamilya. Si Pangulong Noynoy, Senador Mar at Kongresista Ivy ay pawang nabibilang sa Liberal Party. (SANDY BELARMINO)

No comments: