Friday, April 29, 2011

UGNAYAN

Sa nakalipas na dalawang taon ay tagumpay na magkatuwang ang ilang programa nina Mayor Vic Amante at Cong. Ivy Arago, na dahil dito ay libu-libong San Pableño ang natutulungan ng pag-alalay partikular ang sektor ng mga maralita na bawa't suliraning dumarating sa kanilang pamilya ay ang dalawang opisyal ang nagiging sandigan.

Hindi man lubusang may kaugnayan sa bawa't proyekto ay nagkakataon namang halos nagkakapareho ang mga adbokasiyang kanilang isinusulong sa maraming aspetong panlipunan tulad ng sa kalusugan, edukasyon, pangkabuhayang programa sa mga mamamayan at ilan pang gawaing pambayan sapagka't iisa ang kanilang paniniwala sa mga nababanggit na constituency advocacies.

Marami sa kanilang mga natulungan at tinutulungan ang nananalanging manatili ang kanilang magandang ugnayan para sa kabutihan ng bayan sapagkat sa maraming pagkakataon ay naging epektibo ito lalo na sa oras ng kanilang kagipitan at pangangailang medikal dahil kapwa mahusay at matibay ang kanilang indigency program.

Ang pagkakasakit sa panig ng mga mahihirap ay maituturing nang isang napakahigpit na pagsubok dahil isa ito sa pangyayaring hindi nila inaasahan lalo na iyong mga nasa ilalim pa ng pagkamaralita na di malaman kung saan at kanino lalapit upang makabili sa iniresetang gamot, na lalo pang titindi kapag lalabas na sa pagamutan.

Isa ito sa mga kapakinabangan ng taumbayan sa programa nina Cong. Ivy at Mayor Amante dahil kahit paano ay kanilang natutugunan dahil nga nagkakatulungan sa pagpuno sa pangangailangan ng mga indigents.

Tinatalakay lang natin ang bagay na ito sapagkat may ilang sektor na nais sirain ang magandang ugnayan nina Cong at Mayor gamit ang intriga ng pulitika na batid naman nating pinaka short cut na paraan upang magkaroon ng iringan ang bawat isa na kapwa ikahihina ng programang pambayan.

At nais lang ng may akda na maiparating ang tahimik na kalooban at kaisipan ng mga maralita na huwag sanang sirain ng pulitika ang pagkakaisa nating lahat. (SANDY BELARMINO, VP-SEVEN LAKES PRESS CORPS)
.

Monday, April 25, 2011

DAYALOGO

Isang kaiga-igayang pangyayari ang naganap na dayalogo sa pagitan ng grupo ng mga manananggol na kinatawan ng liderato ng San Pablo Bar Association(SPBA) at mga huwes, piskal , at iba pang opisyal ng mga hukuman sapagka't natala dito ang nakamit na unawaan sa magkabilang panig ng practicing bar at judiciary.

Sa pamamagitan ni Bar Committee Chairman Atty. Gregorio Villanueva ay naisaayos niya ang pagkakaroon ng talakayan na nagbunga ng produktibong resulta para sa ikapagtatamo ng mabilis at parehas na hustisyang nakasalig sa mekanismo ng pamantayang legal sa kapakanan ng mga nagsasakdal at nasasakdal, na sa ngayon ay maituturing na isang milestone sa lunsod na ito o maging sa buong bansa.

Kapag nasa loob na ng korte ang usapin ay wala nang pagkakataon pang pag-usapan pa ang ganitong mga bagay sapagka't ang tinatalakay dito ay syempre pa kundi ang merito ng kaso sangayon sa iniharap na sumbong ng tagapag-usig at demirito sa panig ng tagapagtanggol.

Kaya naman ikinatuwa ni RTC Executive Judge Agripino Morga ang inisyatibo ng SPBA na pinangunguluhan ni Atty. Hizon Arago na maisagawa ang bench and bar dialogue sapagka't daan aniya ito upang maayos na mapadaloy ang usad ng katarungan, na mangangahulugan ng mabilis na disposisyon ng mga kaso na samakatuwid ay makaiiwas o makababawas sa pagkakabinbin ng mga ito sa mga hukuman.

Bukod sa kasapian ng SPBA ay naging aktibo rin sa talakayan sina MTC Judge Jose Lorenzo de la Rosa, Chief State Prosecutor Ernesto Mendoza, City Prosecutor Dominador Leyros, mga clerks of court at iba pang court officials.

Hinimok ni Judge Morga sa mga manananggol na huwag mangiming magsumbong sa kanya sakasakaling may nais ireklamong kawani ng hukuman na nagpapabaya sa kanilang mga tungkulin at nagbigay kasiguruhang aaksyunan niya ang lahat ng valid complaints na darating sa kanyang tanggapan.

Tagumpay ng parehong panig ang naganap na dayalogo na sa pagkakaalam ng pitak na ito kung hindi tayo nagkakamali ay kaunaunahang ginanap dito sa lunsod.

Congrats po sa inyong lahat, lalo na kay San Pablo Bar President Atty. Hizon Arago. (SANDY BELARMINO)

BENCH AND BAR DIALOGUE PROVES PRODUCTIVE

San Pablo City Bar President Atty. Hizon A. Arago, together with member-lawyers held a no-holds-barred dialogue with RTC Judge Agripino Morga, MTC Judge Jose Lorenzo dela Rosa, Chief Regional State Prosecutor Ernesto Mendoza, City Prosecutor Dodie Leyros and Clerks of Courts on April 14, 2011 at Glyden Josh Restaurant, Dagatan Boulevard this city under the sponsorship of the Bench and Bar Relations Committee chaired by Atty. Gregorio Villanueva.

The luncheon meeting which lasted until about 3 in the afternoon, focused on ways to set in place within the limits of legal framework, mechanisms that can effectively contribute to swift and just dispensation of justice.

Executive Judge Morga expressed elation over such collective show of commitment to establish communication lines between the Bench and Bar aimed at enhancing judicial image as the true and reliable ally of the oppressed. Important issues, which were brought to the fore, pertained to excessive fees and expenses that litigants had to bear to pursue their cases in court to include commissioners fees, Sheriffs fees, costs of transcripts and publication of orders and notices.

The Executive Judge encouraged lawyers to come forward and initiate formal complaints against any court personnel perceived to be exorbitantly charging their fees. He promised to act on grievances in earnest and with dispatch. He emphasized that unless a written complaint supported by affidavits is presented before him, he would have no adequate and plausible grounds to proceed and see it through up until its conclusion. On publication charges Judge Morga announced that he had a letter ready for distribution to all accredited publishers defining guidelines on how charges should be billed.

Atty. Arago expressed gratitude, in behalf of the Bar, to the attending judges, prosecutors and clerks of courts for their show of interest in supporting healthy dialogue between and among the principal players in the administration of justice. He assured them of the Bar’s resolve to serve as a potent partner in the efficient delivery and dispensation of justice in the city. The president added that the Bar shall regularly provide opportunities for similar interactions with the end in view of enhancing harmonious working relationship with courts and staff. (SEVEN LAKES PRESS CORPS)

Wednesday, April 20, 2011

MAGKAPATID, MAGKASABAY SA TAGUMPAY

Magkasabay na tumapos ang magkapatid na Maria Elena "Happy" D. Belarmino (kaliwa) na natamo ang titulong Bachelors of Science in Civil Engineering, at Joanna Finna "Ana" D. Belarmino na ang natamo ay titulong Bachelors of Science in Nursing, sa Laguna College. Kuha ang larawan pagkatapos ng commencement exercises na ginanap sa LC Quadrangle noong nakaraang Linggo, Abril 10, 2011. Sina Happy at Ana na kapuwa naghahanda para sa kanilang pagkuha ng government examination ay anak ng mag-asawang Sandy at Maricar Belarmino ng Seven Lakes Press Corps in San Pablo City. (CIO-Jonathan Aningalan)

Sunday, April 17, 2011

BAGONG LAGUNA, DI MAGALANG?

Dahil marahil sa kawalang galang at pagpapahalaga sa kababaihan lalo’t higit sa nakatatanda ay napaulat na nademanda si Laguna Governor ER Ejercito, na kahit nanalo na sa eleksyon ay wala pa ring humpay sa paninira sa mga nakaibayo sa pulitika.

Ito ba ang Bagong Laguna na kanyang ipinagmamalaki?

Batay sa naglitawang ulat ay idinimanda umano ng dating Gobernador sa Ombudsman ng 11 counts of oral defamation o paninirang puri si Gob ER na ibig sabihin ay hindi na nakatiis ang dating gobernadora sa mga nakararating sa kanyang paninirang puri ng gobernador ng Bagong Laguna.

Hindi mawari ng may akda kung ano ang nasasaisip nitong si Gob ER, na tila hindi niya batid na tapos na ang halalan at malapit na siyang mag-isang taon sa panunungkulan bilang punong ehekutibo ng lalawigan, at siya ang pinuno, ang gobernador ng lahat maging kakampi at lahat ng nakalaban.

Unsolicited advice lang: “dapat sana’y nag-reach out siya sa lahat ng nakatunggali.” Katulad ng ginagawa ng mga matitinong lider saan mang dako ng daigdig na matapos ang halalan ay pakumbabang lumalapit sa mga naka-ibayo sa eleksyon upang mahimok ang kanilang kooperasyon.

Sa nangyaring demandahan ay nakatitiyak nang maaapektuhan ang paglilingkod ni Gob ER sa buong lalawigan at mas lalong mababawasan ang oras na kanyang inilalaan sa buong lalawigan, na baka sa halip na kahit gabi ay nagtitiyaga ang mga Lagunense sa paghihintay sa kanya ay tuluyang hindi na siya makita dahil mabigat magkaroon ng kaso sa Ombudsman. Baka gawin pa siyang sample ngayon ni Tita Merci?

Ang pinangangambahan ko lang ay baka magkaroon ito ng domino effect sakali mang ang ginagawa niya sa pamilya Lazaro ay nagawa rin niya sa iba pang kalaban.

Hay naku! Malaking abala ito para sa isang lingkod bayan, masasayang din ang Bagong Laguna na may masipag na gobernador kung gabi! Ang tanong ng marami ay may kasunod pa kaya ito? Sana naman eh wala na. (sandy belarmino)

Friday, April 15, 2011

IVY SCHOLARS SA LILIW, NAGTAPOS

Nagtapos na nang nakaraang Linggo ang grupo ng Ivy Scholars sa bayang ito na sumailalim ng pagsasanay sa Kursong basic computer training na binubuo ng 268 sa pakikipagtulungan ng TESDA at Bagong Henerasyon (BH) Party List.

Sa nasabing bilang ay 208 ang nagsanay sa computer literacy, samantalang 60 ang kumuha ng computer technical na kaalaman na pawang pinagtibay ni TESDA Provincial Director Luisita de la Cruz makaraang kumpirmahin ni BH Partylist Congresswoman Bernadette Herrera-Dy ang kanilang pagtatapos

Ang computer learning program ay bahagi sa isinusulong na adbokasiya ni Laguna 3rd District Congresswoman Maria Evita Arago sa buong distrito kung saan libo-libo na ang natulungan sapul ng masimulan noong Pebrero nang nakaraang taon.

Naniniwala si Arago na ang teknolohiyang ito ay sagisag ng makabagong panahon kaya marapat lang aniyang makaangkop ang mga taga ika-3 purok ng lalawigan.

Magugunitang tatlong ulit nang nakapaghandog ng pagsasanay sa computer learning sa Lunsod ng San Pablo at dalawang ulit na sa bayan ng Victoria sa pamamagitan ng AiHu Foundation computer van aralan. Nagdulot ito ng malaking bilang ng mga nagtapos sa TESDA na dahil sa skills na natamo ay marami na rin ang nagtatrabaho na.

Ang BH computer van aralan ay pinangangasiwaan ng kanilang computer instructor na sina Mark Joseph Inawat at Elbert Santiago, sa pamamatnubay ni Cong. Herrera-Dy.

(L-R) Atty Hizon A. Arago, San Pablo Bar Association President, House Speaker Feliciano Belmonte, Jr and IBP President Libarios. Photo taken at Subic, Zambales during the 13th National Convention of Lawyers under the auspice of the Integrated Bar of the Philippines (IBP).

SAN PABLO LAWYERS ATTEND CONVENTION

Members of San Pablo Bar Association headed by its president, Atty. Hizon A. Arago, left for Subic, Zambales on April 7, 2011 as official delegates to the 13th National Convention of lawyers under the auspice of the Integrated Bar of the Philippines.

The 4-day gathering (April 7-10) with this year theme, “IBP, LIVING UP TO THE STANDARDS OF INTEGRITY AND COMPETENCE IN THE LEGAL PROFESSION” had as keynote speaker, Vice-President Jejomar Binay who underscored the significant roles lawyers play in building a just and humane society. He said that lawyers are agents of change with paramount influence to protect the poor and the powerless from those who break the law with impunity.

Highlights of the convention included the main address of Chief Justice Renato C. Corona to the delegates extolling the relentless efforts of IBP “to upgrade the professional standards of the legal profession and wield the law as an instrument for the protection of rights and liberties.”

The convention was a powerhouse of legal luminaries who collectively recognized the need for pro-active participation of lawyers in nation building. Senator Francis Escudero, House Speaker Feliciano Belmonte, Jr., Justice Santiago M. Kapunan, Secretary of Justice Leila de Lima, Cong. Ma. Milagros H. Magsaysay, Mayor James Gordon, Jr., former senator Aquilino Pimentel, Chief State Prosecutor Claro A. Arellano, SC Spokesman Midas P. Marquez, Cong. Neri Colmenares and UP Dean Raul Pangalangan were among those who addressed the delegates.

The convention incorporated lectures on various fields of law credited as full compliance with the prescribed requirements under the Rule on Mandatory Continuing Legal Education.

Delegation from San Pablo consisted of Atty. Hizon A. Arago as head, Attys. Deogracias Reyes, Edmundo Garcia, Alvin Exconde, Cosen Exconde, Karen Agapay, Restituto Mendoza, Butch Javier, Roderick Urrea, Von Supeña, Marcus Robles, Candido Javaluyas, Jr., and Prosecutor Leda Aninias.

An unprecedented volume of lawyers from all over the country numbering more than 3,000 signed in as delegates to discover and learn the latest Supreme Court issuances, laws, jurisprudence, trial techniques and other skills in legal advocacies.

Atty. Arago said that his attendance and participation in the convention significantly broadened his perspective and skill as a lawyer. (SEVEN LAKES PRESS CORPS)

Monday, April 4, 2011

3RD DISTRICT NG LAGUNA: YES!

Sa botong 212 YES, 40 NO at 4 ABSTAINTION ay pumasa sa plenary ng Kongreso ang resolusyon ng impeachment kay Ombudsman Merceditas Gutierrez upang tuluyan na siyang malitis sa Senado sa mga usaping kanyang kinakaharap at nakasaad sa article of impeachment.

Medyo naging mainitan ang talakayang nangyari sapagkat umabot hanggang hatinggabi ang debate sa plenary dahil may mga interes pa ring pumipigil upang hindi ma-impeach ang ombudsman sanhi ng mga lihim na posibling mahukay sakasakaling umakto na ang mga senador bilang mga hukom sa usapin.

Ang ilan sa mga nakapaloob sa impeachment ay ang ukol sa fertilizer scam at NBN-ZTE broadband deal na talaga namang kasuklam-suklam ang pagtatakip ng ombudsman upang hindi maisampa ang kaso sa Sandigang Bayan sapagkat siguradong lilitaw ang partisipasyon ng mga taong kanilang diumano’y pinuproteksuyan at pinangangalagaan.

Hindi nga natin batid kung bakit nga ba sa hinabahaba ng panahon ay nabinbin ang mga usaping ito sa Ombudsman ganoong matagal nang tapos ang pagsisiyasat. Mabuti na lamang at dulot na rin ng kanilang kawalang ingat na makipag-“Plea-bargain” kay dating AFP Comptroller Gen. Carlos Garcia ganoong plunder ang kasong kinakaharap nito, ay nabuksan muli at narepaso ang mga nakabinbin pang mga usapin.

Halos in full force ang mga mambabatas nang tuluyang isalang ito sa plenary upang pagbotohan ang nasabing impeachment na marahil ay dahil na rin sa bigat ng usapin. Umabot nga sa 212 ang mga sumang-ayon sa impeachment ganoong 94 na boto lang ang kailangan upang ito ay maisakatuparan.

Kahit nga si Laguna 3rd District Congresswoman Maria Evita “Ivy” Arago na sampung araw pa lang na nagpapagaling sa caesarian operationg nang isilang ang kanyang baby ay hindi nagpabaya sa tawag ng tungkulin.

Personal pa ngang pinayuhan ni President Noynoy Aquino si Cong. Ivy na huwag ng mag-attend sa House session dahil baka makaapekto sa kanyang kalusugan, subalit hindi nagpaawat ang mambabatas na maipaabot sa bansa ang damdamin ng mga kadistrito.

Dahil nagbi-breast feed si Cong. Ivy sa kanyang baby ay isinama niya ito sa kongreso at matiyagang sumubaybay sa House Proceedings mula alas tres ng hapon hanggang maghahating-gabi, na pagsapit ng botohan ay kanyang sinabing “the good people of the third district of Laguna vote YES for the impeachment.”(SANDY BELARMINO)