San Pablo City, Laguna - Inihayag sa bayan ni Laguna 3rd Disrict Congresswoman Maria Evita Arago ang mga gawaing nagampanan ng kanyang tanggapan sa nakalipas na taong 2010 nang nakaraang lingo bago ang recess sa sesyon ng kongreso.
Nahahati ang ulat ng mambabatas sa dalawang bahagi mula Enero hanggang Hunyo, 2010, na sakop ng 14th Congress, at Hulyo hanggang Disyembre sa pagpasok ng ika-15 Kongreso.
Sa unang bahagi ng taon ay naging kapansin-pansin ang pag-unlad ng distrito sa larangan ng pagawaing bayan na kinabibilangan ng road networks, gusaling pampaaralan at pangbarangay, farm to market road, patubig, pabahay at iba pang proyektong direktang pinakikinabangan ng taumbayan.
Naipagkaloob din ng mambabatas ang Certificate of Lot Award (CLOA) noong panahong nabanggit ang laon nang pinapangarap ng mga residente sa Ivyville sa Masapang, Victoria, Laguna, nakapagsulong ng scholarship program sa mga mag-aaral ng high school at kolehiyo ganoon din sa mga out of school youth, at vocational training sa mga unemployed sa tulong ng Tesda.
At sa ginawang pakikipag-ugnayan sa AiHu Foundation ay nakapaghandog si Rep. Aragon g Computer Literacy Training sa mga kababayan sa pamamagitan ng Computer Van Aralan, kung saan 280 ang nagtapos noong Abril sa lunsod na ito. Muli niyang nahimok ang nasabing foundation na magbalik sa Victoria, Laguna kung saan humigit kumulang sa 500 ang nagsipagtapos ngayong Disyembre.
Sapagkat lubos na pinahahalagahan ng mambabatas ang kalusugan ng mga constituents ay walang humpay na pakikipag-ugnayan ang isinasagawa ng kanyang tanggapan sa mga pagamutan sa loob at labas ng lalawigan upang higit na marami ang mapaglingkuran. Nagyayaot dito ang kanyang mobile clinic sa malalayong barangay katulad din ng kanyang ambulansya na naghahatid sa mg pasyente sa kamaynilaan.
Sa pagitan nito ay nagsasagawa ng madalas na medical mission sa mga barangay para higit na mapangalagaan ang kalusugan ng mga kababayan.
Bukod dito ay ang pag-anyaya sa mga espesyalista para sa eye clinic, cancer prevention and detections at pangangalaga sa mga nagdadalangtao, na sa ngayon ay nakapaglingkod na sa 217 barangay ng distrito.
Naisagawa ni Rep. Arago ang lahat ng ito sa unang bahagi ng taon, sanhi upang maparangalan siyang grandslam Outstanding Congresswoman dahil naisaalang-alang ng liderato ng Kongreso ang mahigit 80 panukalang batas at resolusyong naihain sa kapulungan kung saan sampu ang naging ganap na batas.
Naganap din sa panahong ito ang dalawa sa pinakamaligayang sandali sa buhay ng mambabatas. Ang una ay ang kanyang landslide victory noong eleksyon ng Mayo at ang pakikipag-isang dibdib sa kasintahang si Henry noong Hunyo.
Sa pagsapit ng 15th Congress noong Hulyo ay ganap na na-institutionalized ang lahat sa pagpa-follow up ng mga proposed bills, pagpapalawak ng sakop sa mga programa, pagsasaprayoridad sa mga proyektong higit na kapakipakinabang upang makamit ang higit na pag-unlad ng distrito at pagpapa-igting ng pagtulong sa mga nangangailangan.
Sunday, January 2, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment