Saturday, January 29, 2011

SOLON THANKS CONSTITUENTS , SAYS NOTHING TO WORRY ABOUT

A Southern Luzon solon assured her constituents that she is now feeling well amidst reports of her delicate pregnancy she is undergoing since she was two months pregnant as reported by Abs-Cbn and broadcasted worldwide.

Alhough Laguna 3rd District Congresswoman Maria Evita Arago admitted that it was really the case during the early part of her proud pregnancy, things began to change for the better now as she reach the final stretch though she is at present under strict advice by her doctors to refrain from hectic physical activities.

It can be recalled that Rep. Arago was flooded by phone calls, text messages and in her facebook accout of constituents worrying on the health condition of the congresswoman in relation to her pregnancy based on the news reports but she took every thing positively, " Now the whole Philippines and those with TfC worldwide know my delicate pregnancy" the lady solon pasted in her facebook.

This being so painted negative implication at the once perfect attendance and 14th Congress grand slam outstanding lawmaker as other media practioneers deliverately omitted facts on her heatlh condition to near sensationalising.

Arago added " In the arena of public service, we are 24/7 under public scrutiny, so when I get pat on the back or a thumbs up sign and say I'm doing right, it reminds me why I'm here and that is to serve. My only heart's desire is to be the best public servant while being the best mom I can be for my upcoming baby and with God's grace I can strike a balance"

For the support and confidence of her constituents said " Thank you ABS-CBN and RG Cruz for a fair and balanced reporting.Likewise, thank you for all conerns for me and my baby's welfare as I'm now in the final strech of prenancy, it's been difficult but rest assured that I have not been remiss of my duty as people's servant".

MOBILE PASSPORTING SERVICE SA PEBRERO 26, 2011

Sa pakikipag-ugnayan sa Consular Office para sa Katimugang Tagalog ng Department of Foreign Affairs, ang Tanggapan ni Congresswoman Ma. Evita R. Arago ay magtataguyod ng mobile passporting sa darating na Pebrero 26, 2011, araw ng Sabado, na gaganapin sa Villa Evanzueda sa Sityo Baloc sa Barangay San Ignacio, simula sa ika-8:00 ng umaga hanggang ika-3:00 ng hapon.

Ayon kay Congresswoman Ivy Arago, ang prosesong ito ay naaayon sa Philippine Passport Act of 1996.

Ang halaga ng passport na ito, na iyong may uring “Machine Readable” ay P1,200, at ang pangunahing pangangailangan ay ang mga sumusunod: birth certificate na authenticated ng National Statistics Office (NSO); 2 valid identification card; at kung babaeng may-asawa ay authenticated marriage certificate. Ang mga babaeng balo ay dapat magdala ng death certificate ng namayapang asawa na authenticated by NSO.

Sa pagtungo sa Mobile Passporting Service sa Pebrero 26, dapat ay may maayos na kasuutan, na kung lalaki ay may cuello o collar ang pang-itaas, at kung ngingiti ay “Mona Liza Smile” o hindi dapat na nakikita ang ngipin, natural o pustiso man.

Dahil sa prosesong ipinaiiral ngayon, ang tatanggapin lamang ay ang unang 500 passport applications.

Para sa kaayusan, ang passport application ay dapat na ipagkatiwala sa passport coordinator, na dito ay sa District Office ni Congresswoman Ivy Arago, nang hindi kukulangin sa dalawang linggo bago ang nakatakdang Mobile Passport Service o sa o bago sumapit ang Pebrero 10, 2011; upang sila ay mapayuhan sa tamang oras na sila ay haharapin ng mga Mobile Passport Service official.

Ang passport applicant ay dapat na personal na magsasadya sa Mobile Passport Service, liban na lamang ng mga batang wala pang walong (8) taong gulang, o matandang mahigit na sa 65 taong gulang.

Sa Mobile Passport Service ay hindi tinatanggap ang kahilingan para palitan ang nawawalang valid passport; pero tatanggapin ang kahilingan para palitang ang nawawalang paso ng passport o “lost expired passports.”

Para sa karagdagang kabatiran na may kaugnayan sa paghiling ng passport, ay maaaring tawagan si Bb. Len Baral sa cellphone number 0917-500 7707 o si Bb. Lorie Garcia sa cellphone number 0916-772 8388. Ang telepono ng District Office ni Congw. Ma. Evita R. Arago sa Siesta Residencia de Arago sa Green Valley Subdivision sa Barangay San Francisco ay (049) 503-1472) (Seven Lakes Press Corps)

Wednesday, January 5, 2011

REFORM BUDGET

Nilagdaan noong nakaraang linggo ni Pangulong Benigno Aquino III ang national budget na nagkakahalagang P1.645-trillon para sa sasapit na 2011, na sinaksihan nina Senate President Juan Ponce Enrile, Speaker Sonny Belmonte at mga mambabatas ng dalawang kapulungan.

Kung ano ang kahulugan nito sa atin, aba’y napakahalaga sapagkat ang hatid nito ay pag-asa sa sambayanang Pilipino, sapagkat nakapaloob dito ang mga guguling kinakailangan ng bayan na siyang tutustos sa mga proyekto at programang ipinangako ni PNoy sa taumbayan noong panahon ng kampanya.

Marami ang nagsasabing ito ang Reform Budget sa dahilang dito nakasalalay ang ating kinabukasan na tila nakalimutan ng nagdaang administrasyon. Ito rin ang natitirang option ni PNoy upang ang kaunlaran ay higit nating makamit sapagkat medyo nadiskaril na ang tuwid na daan ng pagbabago na nais niyang ihandog sa atin sanhi ng hindi pakikiisa ng hudikatura, kaya medyo malabo na ang gagawing paghabol ni PNoy upang mabawi ang nawawalang yaman ng bansa.

Nasa timing ang pagkakapagtibay nito kaya higit na makatutulong sa taumbayan dahil naiwasan natin ang re-enacted budget na nakasanayan ng ating dating pinuno.

Sa reform budget 2011 ay mapasisigla ng pamahalaan ang kalakalan, komersyo at industriya na makapagbibigay ng maraming hanapbuhay sa mga Pinoy. Ibig lang sabihin na kung marami ang may hanapbuhay ay gaganda ang takbo ng buhay ng lahat, sapagkat may domino effect ang lahat ng ito lalo na sa peace and order natin, and everything follows after tulad ng pag-angat ng ating ekonomiya.

0-0-0-0-0

May pagka-killjoy talaga itong ating Supreme Court sapagkat ang pwede ay ginagawang hindi pwede at ang hindi pwede ay ginagawang pwede. Kamakailan ay idineklara nilang unconstitutional ang EO No. 1 ni PNoy na lumilikha sa Truth Commission na tila baga ka-tribo sila ng isang taong takot sa katotohanan.

Hindi po tayo nakikipag-debate sa Supreme Court sapagkat sila ang batas at nagbabasa ng batas (no matter how foolish is it). Ang sa ganang pitak na ito po lamang ay tanong na- bakit hindi naging unconstitutional ang PCGG at Saguisag Commission? Paki-explain nga po ang logic ng inyong desisyon.(SANDY BELARMINO)

Sunday, January 2, 2011

YEAR-END PERFORMANCE SA DISTRITO, INIHAYAG SA BAYAN

San Pablo City, Laguna - Inihayag sa bayan ni Laguna 3rd Disrict Congresswoman Maria Evita Arago ang mga gawaing nagampanan ng kanyang tanggapan sa nakalipas na taong 2010 nang nakaraang lingo bago ang recess sa sesyon ng kongreso.

Nahahati ang ulat ng mambabatas sa dalawang bahagi mula Enero hanggang Hunyo, 2010, na sakop ng 14th Congress, at Hulyo hanggang Disyembre sa pagpasok ng ika-15 Kongreso.

Sa unang bahagi ng taon ay naging kapansin-pansin ang pag-unlad ng distrito sa larangan ng pagawaing bayan na kinabibilangan ng road networks, gusaling pampaaralan at pangbarangay, farm to market road, patubig, pabahay at iba pang proyektong direktang pinakikinabangan ng taumbayan.

Naipagkaloob din ng mambabatas ang Certificate of Lot Award (CLOA) noong panahong nabanggit ang laon nang pinapangarap ng mga residente sa Ivyville sa Masapang, Victoria, Laguna, nakapagsulong ng scholarship program sa mga mag-aaral ng high school at kolehiyo ganoon din sa mga out of school youth, at vocational training sa mga unemployed sa tulong ng Tesda.

At sa ginawang pakikipag-ugnayan sa AiHu Foundation ay nakapaghandog si Rep. Aragon g Computer Literacy Training sa mga kababayan sa pamamagitan ng Computer Van Aralan, kung saan 280 ang nagtapos noong Abril sa lunsod na ito. Muli niyang nahimok ang nasabing foundation na magbalik sa Victoria, Laguna kung saan humigit kumulang sa 500 ang nagsipagtapos ngayong Disyembre.

Sapagkat lubos na pinahahalagahan ng mambabatas ang kalusugan ng mga constituents ay walang humpay na pakikipag-ugnayan ang isinasagawa ng kanyang tanggapan sa mga pagamutan sa loob at labas ng lalawigan upang higit na marami ang mapaglingkuran. Nagyayaot dito ang kanyang mobile clinic sa malalayong barangay katulad din ng kanyang ambulansya na naghahatid sa mg pasyente sa kamaynilaan.

Sa pagitan nito ay nagsasagawa ng madalas na medical mission sa mga barangay para higit na mapangalagaan ang kalusugan ng mga kababayan.

Bukod dito ay ang pag-anyaya sa mga espesyalista para sa eye clinic, cancer prevention and detections at pangangalaga sa mga nagdadalangtao, na sa ngayon ay nakapaglingkod na sa 217 barangay ng distrito.

Naisagawa ni Rep. Arago ang lahat ng ito sa unang bahagi ng taon, sanhi upang maparangalan siyang grandslam Outstanding Congresswoman dahil naisaalang-alang ng liderato ng Kongreso ang mahigit 80 panukalang batas at resolusyong naihain sa kapulungan kung saan sampu ang naging ganap na batas.

Naganap din sa panahong ito ang dalawa sa pinakamaligayang sandali sa buhay ng mambabatas. Ang una ay ang kanyang landslide victory noong eleksyon ng Mayo at ang pakikipag-isang dibdib sa kasintahang si Henry noong Hunyo.

Sa pagsapit ng 15th Congress noong Hulyo ay ganap na na-institutionalized ang lahat sa pagpa-follow up ng mga proposed bills, pagpapalawak ng sakop sa mga programa, pagsasaprayoridad sa mga proyektong higit na kapakipakinabang upang makamit ang higit na pag-unlad ng distrito at pagpapa-igting ng pagtulong sa mga nangangailangan.

ANG MAGING TSERMAN (tula ni Palasig)

Sa mundong maharot, at puno ng kulay
Onli in da Pilipins, dito napalagay
Ang organization, tawag ay Barangay
Na siyang taga-tugon, sa hamon ng buhay.

Siyang taga-pasan, ng mga problema
Siyang taga-salo, ng buntong-hininga
Taga-pamagitan, nitong mag-asawa
Na kapag nag-away, ay isasali ka.

Nang magpasarapan, ay hindi kasali
Si Tserman ay wala, kahit isang kendi
Ngunit ng mabuntis, tiyan ay lumaki
Hanap na ay Tserman, gagawing kumpare.

Naging ugali na, sa lahat ng dako
Basta may problema, sa Tserman ang takbo
Walang piling oras, Sabado ma’t Linggo
Kahit nakabaon, huhugutin ito.

At laging kasali, sa mga gastusan
Paglapit kay mayor, gasgas ang pangalan
Pag napalimit pa, napagbibintangan
Na merong komisyon, na usap-usapan.

Pinakamabigat, pag nagkakagulo
Si Tserman ang tawag, bilang Super Hero
Gagawing “pansalag”, sa saksak at bato
Sa taga at baril, “dyahi” pag tumakbo.

Taga-resolba pa, sa mga nakawan
Detective ang style, at pulis ng bayan
Palagi pang saksi, binyag at kasalan
Suspek pa ng misis, s’yay nalilimutan.

Kaya ayoko nang, muling maging Tserman
Buti’t kukunti na, peklat ng katawan
Sa ABC miting, kapag naiwanan
Tiyak na may multa, kung dadalwang daan.

Ang Tserman naman, ng mga barangay
Di na makagayak, di na makasuklay
Pati ang asawa, nagiging alalay
Gipit sa romansa, nagiging mataray.

Happy New Year na lang, mga magigiting
Ang Dakilang Diyos, kayo’y pagpalain
Kayo’y napalagay, sa inyong tungkulin
Dahil kaya ninyong, “yan ay balikatin.