Wednesday, May 18, 2011

CITY DAD TO JOIN MAYORALTY RACE

San Pablo City --- A last termer councilor has announced his intention to join 2013 open mayoralty race to be vacated by third termer City Mayor Vicente B. Amante here.

Serving the unexpired term of the late councilor Delo Cortez when appointed, Councilor Angelo Adriano was elected for three successive term ever since even topping the last 2010 synchronized national and local elections.

Adriano brings with him his rich experience as local lawmaker, his connections to national leadership and personalities, as well as his know how in civic and philanthropic advocacies being an active member of Rotary Club of San Pablo City South, in presenting his program of government to San Pableños.

Adriano will complete the 4As who will vie for mayorship in 2013 and is considered as one of the frontrunners of the said race.

Earlier it has been rumored that former Congressman and Mayor Florante “Boy” Aquino was seen going around possibly for inventory of his political leaders and loyal supporters. He was congressman for three terms and once a city mayor.

Also talk of the town to join 2013 mayoralty race are City Administrator Loreto “Amben” Amante, son of the incumbent mayor and Atty. Hizon Arago, the father of the incumbent Laguna 3rd District Cong. Maria Evita Arago.

The city positively received the entry of Adriano and many consider him the dark horse of the race.

Wednesday, May 11, 2011

LITTLE AT MISS TEEN PAGEANT SA TRACE COLLEGE

Los Baños, Laguna- Bilang pagpapahalaga sa kalikasan ay itinaguyod ng Trace College ang ika-6 na taunang Little at Miss Teen Earth pageant nang nakaraang Sabado ng gabi.

Ang timpalak kagandahang ito ay binuo ng mga environmental advocates sa ilalim ng World Team Earth na may pagsasaalang-alang sa pangangalaga sa kapaligirang ating ginagalawan, at nasimulan sa bansa noon pang 2006.

Sa pamamagitan ng pasilidad ng Trace College at kagandahang loob ni Campus Administrator Joatam Siytiap at kanyang maybahay ay maluwalhating nairaos ang matagumpay na timpalak.

Walang ipinag-iba sa ibang beauty pageant ang Teen Earth maliban sa long gown competition kung saan ang mga isinuot ng mga contestant ay yari sa mga recycled materials na nagpalitaw sa talino at pagka-malikhain ng mga Filipino Designers.

Nahahati sa tatlong kategorya, ang mga nagwagi ay sina Althea Capuchino, ng Sta. Rosa City, Little Miss Earth Philippines; Miamor Perido ng Paete, Laguna, Miss Pre-Teen Earth Philippines; at Gabrielle Alipino ng San Jose Del Monte, Miss Teen Earth Philippines na pawing kakatawanin ang bansa sa kaparehong timpalak sa mga bansang Thailand, China at Malaysia.

Ikinatuwa ni Siytiap na maging bahagi ang Trace College sa Teen Earth Pageant sapagkat una na nila aniyang itinataguyod ang Miss Earth World Pageant na sinasalihan ng buong daigdig.

Samantala’y nagging lubos ang pasasalamat ni event organizer Ferbg Custodia kina Siytiap at Helen Carandang ng Trace College.

Tumayong mga hurado sina Miss Asia Heart Crisbell de los Reyes, Maribeth Barin, Frederick Tan, Angelica Fernandez, Annalisa Ibariga, Veronica Viejo, Shelaine Manuel, Mark Anthony Anjero, Banlabas Wong, Joe Mari Quibilan, Rolly Robino at Mona Liza Swang.

BAGONG LAGUNA, PANG-GABI?

Pabigla-bigla ang nagiging pagtaas ng presyo ng krudo at gasolina sa ating pamilihan na hindi pa tapos ang computation ng Dept. of Energy (DOE) kung tama nga ang nangyaring pagtaas ay heto na naman tayong mga Pinoy na paggising sa umaga ay bubulagaain ng mataas na presyo ng petroleum products.

Hindi natin malaman kung niloloko na tayo ng mga dambuhalang kompanya ng langis dito sa ating bansa na tulad noong nakaraang linggo na over ang ginawa nilang pagpapataw ng karagdagan presyo na nabisto ng DOE.

Oo nga’t marami sa atin ang walang pribadong sasakyan na direktang naaapektuhan nito, subalit ang crude oil dito sa ating bansa, na kapag may pagtataas ng presyo sa gasolina ay may chain reaction na nangyayari.

Simpling-simpli na sa presyo ng gulay lang, tiyak na ito’y tataas din dahil ipapataw dito ang transportation cost mula sa taniman hanggang pamilihan. Sakop nito ang lahat ng uri ng pagkain, tulad ng karne, itlog, bigas, asukal at iba pang pangunahing pangangailangan natin tulad ng tubig at kuryente.

Sana ay palaging alisto ang DOE sa mga bagay na ito dahil ang mga ganid na kompanyang ito sa halip na unawain ang ating kalagayan ay sa maraming pagkakataon ay tila nagsasamantala pa sa ating kahirapan.

----0o0----

Nakakatuwa naman itong ating mga punong bayan, mga konsehal at mga barangay officials ng Lalawigan ng Laguna, na ating nakakapanayam dahil ang “Bagong Laguna”daw ay gabi dahil iyon daw ang oras kung kalian nagri-report ang gobernador sa kanyang opisina.

He-he-he.. Sobra naman kayo wika ko, baka naman hindi totoo ‘yan? At totoo daw anila, ang hindi totoo ay iyong sinasabi ng mga staff ng gobernador na mula umaga hanggang gabi nag-o-opisina si Gob. E.R. dahil kung araw ay wala ito sa kanyang tanggapan at ang palusot ay nagbibisita sa kanyang mga projects. Nasaan kaya ang mga projects na iyon?

So batay sa mga mayors at barangay chairmen ay baligtad pala ang work ethics ni Gob. E.R. – gabi hanggang umaga! Kawawa naman ang mga mangangailangan ng tulong mula sa mga bayan-bayan ng Bagong Laguna, bibiyahe ng last trip ng alas syete ng gabi at pagkatapos naman ay hindi nila makikita at makakausap si Gob E.R, baka sa TV o sine na lang! (SANDY BELARMINO)

SM CITY SAN PABLO, KAISA SA NATIONWIDE JOB FAIR

San Pablo City, Laguna - Matagumpay na naisagawa dito ang Jobs Fair sa pakikipagtulungan ng SM City San Pablo at Department of Labor and Employment (DOLE) kahapon, Mayo Uno bilang handog sa mga San Pableño sa Araw ng Paggawa.

Bahagi ang nasabing gawain sa isinulong na nationwide Jobs Fair ng DOLE at SM Malls sa buong kapuluan kung saan nilahukan ng maraming pagawaan, tanggapan at bahay kalakal na nangalap ng mga manggagawa para sa mga bakanteng posisyon sa kanikanilang kompanya.

Ang Jobs Fair sa Atrium ng SM City San Pablo ay binuksan nina Mall Manager Timothy Gabriel Exconde, PR Manager Mara Roxas at DOLE Senior Labor Employment Officer Lorena Gacosta na maghapong naglingkod sa mga aplikante, sa tulong ni San Pablo City PESO Officer Melinda Bondad.

Kahit dinagsa ng mga aplikante ay naging maayos ang daloy ng aktibidad dahil sa sistematikong pamamaraan na ipinatupad sa SM City San Pablo Atrium sanhi upang mapaglingkurang lahat ang mga nagsipag-apply.

Tinatayang lalampas sa isang libo ang mga aplikanteng nag-apply dahil umaga pa lang ay dagsa na ang mga nagpatala sa PESO counter ng atrium.


Wednesday, May 4, 2011

BIYERNES TRESE

Mababago ang paniniwala ng marami ngayong taon sa petsang ito partikular sa Lunsod ng San Pablo sapagkat bukod sa walang nilikhang negatibo ang Panginoon na ikapapahamak ng Kanyang mga kinapal ay nasalig ito sa maling paniniwala ng tao.

Bukod pa diyan ay nataon ito sa kaarawan ng isang taong naghatid sa marami ng ligaya, nagbigay solusyon sa ating mga problema at nagpagaan sa mga mabibigat nating dalahin sa buhay.

Siya ang taong nakapaglalayo ng lungkot ng iba sa kabila ng hindi naman siya gaanong masaya, may laang gamot sa ating mga suliranin kahit siya mismo ay batbat ng problema at nagpapasan ng dalahin ng iba sabihin mang hirap na siyang buhatin ang kanyang pasanin sa buhay.

Halimbawa siya ng tinimbang ngunit kulang as in “an indigent helping fellow indigents,” magkaroon lang ng katiwasayan ang mundong ginagalawan.

Sa Mayo a trece, araw ng Biyernes… Happy, happy birthday kapatid. Happy Birthday SANDY A. BELARMINO! (Nani Cortez- Seven Lakes Press Corps)

Friday, April 29, 2011

UGNAYAN

Sa nakalipas na dalawang taon ay tagumpay na magkatuwang ang ilang programa nina Mayor Vic Amante at Cong. Ivy Arago, na dahil dito ay libu-libong San Pableño ang natutulungan ng pag-alalay partikular ang sektor ng mga maralita na bawa't suliraning dumarating sa kanilang pamilya ay ang dalawang opisyal ang nagiging sandigan.

Hindi man lubusang may kaugnayan sa bawa't proyekto ay nagkakataon namang halos nagkakapareho ang mga adbokasiyang kanilang isinusulong sa maraming aspetong panlipunan tulad ng sa kalusugan, edukasyon, pangkabuhayang programa sa mga mamamayan at ilan pang gawaing pambayan sapagka't iisa ang kanilang paniniwala sa mga nababanggit na constituency advocacies.

Marami sa kanilang mga natulungan at tinutulungan ang nananalanging manatili ang kanilang magandang ugnayan para sa kabutihan ng bayan sapagkat sa maraming pagkakataon ay naging epektibo ito lalo na sa oras ng kanilang kagipitan at pangangailang medikal dahil kapwa mahusay at matibay ang kanilang indigency program.

Ang pagkakasakit sa panig ng mga mahihirap ay maituturing nang isang napakahigpit na pagsubok dahil isa ito sa pangyayaring hindi nila inaasahan lalo na iyong mga nasa ilalim pa ng pagkamaralita na di malaman kung saan at kanino lalapit upang makabili sa iniresetang gamot, na lalo pang titindi kapag lalabas na sa pagamutan.

Isa ito sa mga kapakinabangan ng taumbayan sa programa nina Cong. Ivy at Mayor Amante dahil kahit paano ay kanilang natutugunan dahil nga nagkakatulungan sa pagpuno sa pangangailangan ng mga indigents.

Tinatalakay lang natin ang bagay na ito sapagkat may ilang sektor na nais sirain ang magandang ugnayan nina Cong at Mayor gamit ang intriga ng pulitika na batid naman nating pinaka short cut na paraan upang magkaroon ng iringan ang bawat isa na kapwa ikahihina ng programang pambayan.

At nais lang ng may akda na maiparating ang tahimik na kalooban at kaisipan ng mga maralita na huwag sanang sirain ng pulitika ang pagkakaisa nating lahat. (SANDY BELARMINO, VP-SEVEN LAKES PRESS CORPS)
.