Los Baños, Laguna- Bilang pagpapahalaga sa kalikasan ay itinaguyod ng Trace College ang ika-6 na taunang Little at Miss Teen Earth pageant nang nakaraang Sabado ng gabi.
Ang timpalak kagandahang ito ay binuo ng mga environmental advocates sa ilalim ng World Team Earth na may pagsasaalang-alang sa pangangalaga sa kapaligirang ating ginagalawan, at nasimulan sa bansa noon pang 2006.
Sa pamamagitan ng pasilidad ng Trace College at kagandahang loob ni Campus Administrator Joatam Siytiap at kanyang maybahay ay maluwalhating nairaos ang matagumpay na timpalak.
Walang ipinag-iba sa ibang beauty pageant ang Teen Earth maliban sa long gown competition kung saan ang mga isinuot ng mga contestant ay yari sa mga recycled materials na nagpalitaw sa talino at pagka-malikhain ng mga Filipino Designers.
Nahahati sa tatlong kategorya, ang mga nagwagi ay sina Althea Capuchino, ng Sta. Rosa City, Little Miss Earth Philippines; Miamor Perido ng Paete, Laguna, Miss Pre-Teen Earth Philippines; at Gabrielle Alipino ng San Jose Del Monte, Miss Teen Earth Philippines na pawing kakatawanin ang bansa sa kaparehong timpalak sa mga bansang Thailand, China at Malaysia.
Ikinatuwa ni Siytiap na maging bahagi ang Trace College sa Teen Earth Pageant sapagkat una na nila aniyang itinataguyod ang Miss Earth World Pageant na sinasalihan ng buong daigdig.
Samantala’y nagging lubos ang pasasalamat ni event organizer Ferbg Custodia kina Siytiap at Helen Carandang ng Trace College.
Tumayong mga hurado sina Miss Asia Heart Crisbell de los Reyes, Maribeth Barin, Frederick Tan, Angelica Fernandez, Annalisa Ibariga, Veronica Viejo, Shelaine Manuel, Mark Anthony Anjero, Banlabas Wong, Joe Mari Quibilan, Rolly Robino at Mona Liza Swang.
No comments:
Post a Comment