Pabigla-bigla ang nagiging pagtaas ng presyo ng krudo at gasolina sa ating pamilihan na hindi pa tapos ang computation ng Dept. of Energy (DOE) kung tama nga ang nangyaring pagtaas ay heto na naman tayong mga Pinoy na paggising sa umaga ay bubulagaain ng mataas na presyo ng petroleum products.
Hindi natin malaman kung niloloko na tayo ng mga dambuhalang kompanya ng langis dito sa ating bansa na tulad noong nakaraang linggo na over ang ginawa nilang pagpapataw ng karagdagan presyo na nabisto ng DOE.
Oo nga’t marami sa atin ang walang pribadong sasakyan na direktang naaapektuhan nito, subalit ang crude oil dito sa ating bansa, na kapag may pagtataas ng presyo sa gasolina ay may chain reaction na nangyayari.
Simpling-simpli na sa presyo ng gulay lang, tiyak na ito’y tataas din dahil ipapataw dito ang transportation cost mula sa taniman hanggang pamilihan. Sakop nito ang lahat ng uri ng pagkain, tulad ng karne, itlog, bigas, asukal at iba pang pangunahing pangangailangan natin tulad ng tubig at kuryente.
Sana ay palaging alisto ang DOE sa mga bagay na ito dahil ang mga ganid na kompanyang ito sa halip na unawain ang ating kalagayan ay sa maraming pagkakataon ay tila nagsasamantala pa sa ating kahirapan.
----0o0----
Nakakatuwa naman itong ating mga punong bayan, mga konsehal at mga barangay officials ng Lalawigan ng Laguna, na ating nakakapanayam dahil ang “Bagong Laguna”daw ay gabi dahil iyon daw ang oras kung kalian nagri-report ang gobernador sa kanyang opisina.
He-he-he.. Sobra naman kayo wika ko, baka naman hindi totoo ‘yan? At totoo daw anila, ang hindi totoo ay iyong sinasabi ng mga staff ng gobernador na mula umaga hanggang gabi nag-o-opisina si Gob. E.R. dahil kung araw ay wala ito sa kanyang tanggapan at ang palusot ay nagbibisita sa kanyang mga projects. Nasaan kaya ang mga projects na iyon?
So batay sa mga mayors at barangay chairmen ay baligtad pala ang work ethics ni Gob. E.R. – gabi hanggang umaga! Kawawa naman ang mga mangangailangan ng tulong mula sa mga bayan-bayan ng Bagong Laguna, bibiyahe ng last trip ng alas syete ng gabi at pagkatapos naman ay hindi nila makikita at makakausap si Gob E.R, baka sa TV o sine na lang! (SANDY BELARMINO)
No comments:
Post a Comment