Si Bb. Paz Dinglasan, City Admin Amben Amante at Atty.Marius Zabat habang bigay na bigay sa pagsayaw sa natatanging bilang na ipinagkaloob ng kanilang Tanggapan sa nakalipas na Christmas Party ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Lunsod.
Friday, December 19, 2008
ELVIS PRESLEY NG SAN PABLO CITY
Thursday, December 18, 2008
MGA SAN PABLEÑO, LUGI NG P2-M SA SP
San Pablo City - Malaking pinsala ang idinulot sa mga San Pableño ng apat (4) na linggong walang sesyon ang Sangguniang Panlunsod (SP) sanhi ng magkakasunod na adjournment dahilan sa kawalan ng quorum.
Batay sa record ng Sangguniang Secretariat ay walang naganap na regular session sa mga petsang Nobyembre 25, Disyembre 2, 9 at 16 taong kasalukuyan na nag-ugat sa pagliban at pagbalewala ng mga konsehal sa kanilang mga sinumpaang tungkulin. Ito ay nagdulot sa pagkakabinbin ng Proposed Annual Executive Budget para sa taong 2009 at pagkalugi ng P2-Milyong piso para sa taumbayan.
Ang annual budget ng lunsod ay karaniwan nang tinatalakay sa mga nasabing panahon upang ganap na mapagtibay bago matapos ang taon. Napag-alamang hindi ito umusad sapagkat halos wala man lamang nagaganap na budget hearing ang komitibang naatasan hinggil dito na pinamumunuan ni Kon. Jojo Biglete bilang chairman at Kon. Abi Yu bilang vice-chairman.
Nabatid na ang kawalang aksyon ng SP ay repleksyon sa liderato ni Vice-Mayor Martin A. Ilagan na bukod sa nagdulot ng pinsala sa mga mahahalagang lehislasyon ay naging sanhi sa pagka-lugi ng P2-milyon piso sa kabang-yaman ng lunsod.
Sa ngayon ang SP ay may taunang budget na P25-milyon na kinapapalooban ng suweldo at benepisyo ng vice-mayor, 12 konsehal, 89 regular at co-terminus na kawani at humigit kumulang na 40 kaswal na empleyado. Suma-total nito ay P2-milyong pagkalugi ng taumbayan katumbas ng apat na linggong walang sesyon. (Sandy Belarmino)

Monday, December 15, 2008
SPCWD AND MEDIAMAN SANDY
Nasa larawan ang mga taga-San Pablo City Water District (SPCWD) sa pangunguna nina Gen. Mgr. Roger Borja (ikatlo mula sa kaliwa), Evelyn Eje, Tessie Rivera at iba pang mga empleyado at opisyales ng naturang tanggapan. Kasama rin sa larawan si mediaman Sandy Belarmino (ikaapat mula sa kaliwa) at ito’y kuha bago ganapin ang Memoramdum of Agreement (MOA) signing sa pagitan ng SPCWD at Lunsod ng San Pablo hinggil sa pagsasaayos, pagpapaganda at pagmimintine ng Fountain na nasa Liwasan ng San Pablo. (JONATHAN ANINGALAN/SPC-CIO)
Sunday, December 14, 2008
HOLIDAY SEASON, PINAGHAHANDAN NG CHO AT OSWD
San Pablo City – Bilang paghahanda upang kaagad ay matugunan ang mga tawag na pangkagipitan na maiuugnay sa disaster management, napag-alamang ang mga tauhan ng City Health Office sa pamamatnubay ni Dr. Job D. Brion ay bumalangkas na ng isang contingency plan na ipaiiral simula sa Disyembre 24, 2008 hanggang Enero 1, 2009, at ang lahat ng pinuno at tauhan ng tanggapan ay on-call at may katiyakang makararating sa kanilang tanggapan sa loob ng maikling panahon lamang matapos na sila ay mapaabisuhang kailangan ang kanilang paglilingkod o serbisyo.
Itinatagang Team Leader si Dr. Lucy Celino para sa Medicolegal examination and disease outbreak control, at si Dra. Ma. Victoria L. Guia para sa Child Abuse Prevention and Intervention Network (CAPIN) na katuwang niya si Social Work Officer Rolando Cabrera ng City Social Welfare and Development Office. May kinatawan din dito ang San Pablo City Police Station.
Nabanggit ni Dra. Marivic Guia na sina Bb. Filipina Catipon, Corazon Musicat at Genoveva Martinez ang bumubuo ng Surveillance and Disease Outbreak Control, at may mga sasakyan, kasama na ang mga ambulansiya ng pangasiwaang lunsod na nakatalaga para sa kanilang disposisyon para maging epektibo ang kanilang pagkilos at pagkakaloob ng mga pangkagipitang tulong ngayong panahon ng kapaskuhan at pagsalubong sa Bagong Taon.
Samantala, isang maikling pakikipanayam kay Chief of Police Joel C. Pernito, kanyang simpleng binanggit na gising-na-gising ang kapulisan sa panahon ng holiday season upang ang mamamayan ay mapayapang maisagawa ang pagdiriwang, upang ang mga pagod na manggagawa na sasamantalahin ang ilang araw na bakasyon ay makapamahinga ay magkaroon ng kapanatagan samantalang sila ay mahimbing na natutulog sa kanilang mga tahanan. (SEVEN LAKES PRESS CORPS)

Friday, December 12, 2008
ROLP CONVENTION
Nasa larawan sina (L-R) Col. Joseph G. Sevilla, Ginang Margarita M. Aviquivil, 1st Lt. Antonio L. Aviquivil, Col Andrew O. Nocon, Capt. Paul Anthony V. Aviquivil, Capt. Juanito M. Masa, Maj. Rustico M. Castañeda, Col. Aristeo C. Alvero at Lt. Col. Igmidio E. Boongaling matapos na ganapin ang 55th National ROLP Convention noong Dec. 6, 2008, sa Kampo Emilio Aguinaldo, Lunsod ng Quezon. (SANDY BELARMINO)
BAKIT MAY TAKOT SA PRIVILEGE SPEECH NI DANNY YANG?
Sa wakas ay natuloy rin ang special session ng Sangguniang Panlunsod (SP) noong Huwebes, Disyembre 11 makaraang ma-postpone sanhi ng adjournment ng mga regular sesyon nang nakalipas na Nobyembre 25, Disyembre 2, Disyembre 9 at special session noong Disyembre 4.
Marami tuloy ang nagtatanong kung bakit hirap na hirap makabuo ng quorum ang SP nang mga panahong iyon, lalo pa’t santambak ang mga panukalang kinakailangang mapagtibay para sa 80 barangay ng lunsod. Sari-saring kuro-kuro ang naglitawan at may mga grupo ng taumbayan ng nag-iisip na ipagsakdal ang SP sa hukuman sapagkat ito’y malinaw na dereliction of duty.
May pagkakataon pang may quorum talaga ang sanggunian particular noong Nobyembre 25, subalit ayon sa mga nakasaksi ay may dalawang konsehal na nagkulong na lamang sa kanilang tanggapan upang huwag makabuo ng tamang numero upang makapag-sesyon. Kung ano ang kadahilanan ng dalawa ay maaaring malalim na marahil ay may kaugnayan sa nakatakdang ganapin nang araw na iyon.
Naka-schedule na bigkasin noon ni Kon. Danny Yang ang kanyang privilege speech na magbubunyag sa natuklasan niyang lihim tungkol diumano sa kotongan sa sedera nang nakalipas na Enero. Sinasabing ang pagbubunyag na ito ang karugtong ng nauna niyang malayang pamamahayag kung saan itinatanong niya kina Vice-Mayor Martin Ilagan kung magkano ang halagang sangkot sa naturang extortion-bribery.
Public record naman kung sino-sino ang present sa hindi natuloy na sesyon noong Nobyembre 25, kaya madali nang tukuyin kong sino ang dalawang konsehal na sadyang hindi pumanhik sa session hall, na ayon sa mga nagmamasid ay posibleng sangkot sa ibubunyag ni Yang. Sariwa pa rin sa isipan ng mga nakakita sa dalawa nang araw na iyon ngunit absent sa talaan ng sanggunian secretariat.
Ano pa’t magic date na matatawag ang petsang Nobyembre 25 sapagkat simula noon ay sunod-sunod ng hindi makabuo ng auorum ang SP na tila may natatakot na magkaroon ng regular session upang huwag mabigkas ni Yang ang nasabing privilege speech. Bukod sa dalawa ay may mga naghihinalang may iba pang sangkot sa nangyari diumanong extortion-bribery sa sedera.
Buong tiyagang nagmamatyag ang bayan sa darating na Martes, December 16, araw ng regular sesyon, ay buong kapanabikang hinihintay kung matutuloy na ang privilege speech ni Yang na diumanoy parang bombang sasabog na mag-aalis ng maskara sa iba pang sangkot sa kurakutan sa sedera noong Enero taong kasalukuyan. (SANDY BELARMINO)

Subscribe to:
Posts (Atom)