Ang isa sa mga isyung inilalabas ng mga kakandidato sa iba’t-ibang posisyon laban sa mga kasalukuyang halal na opisyal ng pamahalaan ay ang naglipanang mga tarpaulin sa mga lansangan sapagkat ayon sa kanila ay sobra na’t masakit para sa kanilang paningin.
Sa isang banda’y maaaring balido ang kanilang mga pagpuna upang mapangalagaan ang kanilang interes partikular ang pagsusulong sa binabalak na kandidatura, sapagkat paano nga naman nila masasabayan ang mga tarpaulin ng mga incumbent.
Hindi layunin ng artikulong ito na puwingin ang sino man sa kanilang paniniwala bagkus ay magbigay linaw sa mga taong madali nilang napapaniwala at naaakay sa mali o lisyang katwiran.
Pinaka-praktikal ang tarpaulin sa ngayon na pumalit sa mga materyales na tulad ng plywood, lawanit at metal na dating ginagamit sa outdoor advertising upang mag-anunsyo ng mga adbokasiya, bago o dati nang produkto sa ating merkado at programa’t mga ginagawa ng gobyerno.
Ang katotohanan dito ay isa ito sa mga ipiang-uutos ng batas lalo pa’t mga pagawaing bayan ang nakasalalay. Proteksyon ang mga tarpaulin laban sa pagmamalabis, pagkukulang at pang-aabuso sa mga kontratang pinapasok ng ating pamahalaan sa mga private contractor.
Nakasaad sa mga tarpaulin ang technical description ng bawat proyekto tulad ng halaga, pangalan ng contractor, palugit kung kailan matatapos at iba pang alituntunin hinggil sa proyekto upang mapangalagaan ang interes ng publiko.
Hindi political issue ang dami ng tarpaulin saan mang dako ng Calabarzon sapagkat sumasagisag ito sa sipag ng inyong mambabatas at local na opisyal, sa halip ay mangamba ang lahat sa mga maiingay na walang maipakitang tarpaulin.
Sunday, November 22, 2009
Thursday, November 19, 2009
THANK YOU CONG. IVY, MAYOR VBA at KONSEHALA YANG
Talagang Champion sa husay at galing ng ating people’s champ at kababayang Manny “Pacman” Paquiao, sa ipinamalas niyang performance sa pinakahuli niyang laban kay Miguel Cotto ng Puerto Rico, nagbigay karangalan sa kanya na tanging boksingero sa buong mundo na nagtamo ng pitong championship belt sa iba’t-ibang division sa larangan ng boksing.
Isa itong positibong kaganapan sa ating bansa na kailan lang ay sinalanta ng apat na sunod-sunod na kalamidad, katunayan ay nakaapekto nga ito sa ginagawang pagsasanay ni Pacman sa Baguio ngunit ang Pinoy ay Pinoy, parang kawayan na hahapay lang sandali upang muling tatayo kapag lumipas na ang sigwa.
Nagkapalad ang maraming boxing apisyunado dito sa Lunsod ng San Pablo na masaksihan ito ng live sa Amante Gym kung saan humigit kumulang sa 3,000 ang nanood sa pay-for-view sa kagandahang loob nina Cong. Ivy Arago, Mayor Vicente B. Amante at Konsehala Angie Yang.
Ipinagpasalamat ng lahat sa tatlo ang pambihirang pagkakataong ito sa pamamagitan ng malalakas na pagbubunyi at palakpakan habang binabanggit ang pangalan nina Cong. Ivy, Mayor Vic at future VM Angie Yang. Bakit nga ba hindi ay dahil sa mga panahong lumipas ay palaging delayed telecast ang kanilang napapanood noon.
Incidentally ay magkakasama ang tatlo sa Lapiang Pitong Lawa. Thank You po sa inyong tatlo.
0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-
May mga lumalapit po sa inyong lingkod upang magpasalamat sapagkat ngayon ay higit nilang naunawaan ang mga isyung bumabalot kung bakit may mga interes na pumipigil na maisabatas nang tuluyan ang Mts. Banahaw-San Cristobal Protected Landscape Act gayong ang mapangalagaan pala naman ang layunin nito.
Sa pitak na ito din daw nila nalaman ang mga kasinungalingang ipinagkakalat ng isang kampo na sa una’y kanilang pinaniniwalaan subalit ang labis nilang ipinagtataka ay kung bakit ang problema ng kabilang probinsya ang kanilang inuuna at hindi ang sariling distrito na kanyang pinaglilingkuran.
Ngayong nabisto na daw nila ang mga kasinungalingang ito ay inaasahan nila na sa susunod ay pawang katotohanan na ang mamumutawi sa labi nito. (SANDY BELARMINO)

CLIMATE CHANGE LAW
Ang Philippine Climate Change Act of 2009 (RA 9729) na kamakailan lamang naging ganap na batas ay isang patotoo na kinikilala ng pamahalaan ang nagdalang panganib ng pabagu-bagong klima mula sa global warming na ating nararanasan na kakaiba sa atin nang kinagisnan.
Sa nagdaang ilang taon ay nasaksihan na nating palubha ng palubha ang pinsalang idinudulot nito sa mga Pilipino gayong kung tutuusin ay halos wala pang isang bahagdan ang ambag ng bansa sa pagkakaroon ng global warming, kumpara sa mga industriyalisadong bansa.
Dahil dito ay patindi nang patindi ang mga bagyong dumarating sa atin na kumikitil ng maraming buhay at pumipinsala sa mga ari-arian sanhi ng mga pagbaha, at landslide na ngayon lamang natin nararanasan kaya’t napapanahon ang pagsilang ng batas na ito.
Iminamandato ng batas na gawing polisiya na maibsan ang apekto ng pagkawasak kung hindi man ay lubusang gawan ng kaparaanan sa kung paano ito maiiwasan. Ang tanggapan ng pangulo, Liga ng mga Gobernador, Liga ng mga siyudad at munisipalidad, at Liga ng mga Barangay ay inaatasan ding bumuo ng isang konseho para sa isang pro-aktibong pagkilos.
Lilikha rin ito ng isang malakas na tinig upang manawagan sa mga industriyalisadong bansa na tumupad sa angkop na carbon emission sa himpapawid sang-ayon sa isinasaad at itinatalaga ng Kyoto Protocol na magtatapos ang bisa sa 2012.
Ang batas na ito ay isinulong sa senado ni Senadora Loren Legarda, nagmula sa panukala nina Cong. Roilo Golez, Congresswoman Ivy Arago, Cong. Neptali Gonzales, Cong. Eric Singson at ilan pang mambabatas sa mababang kapulungan ng kongreso. (Tribune Post)

Tuesday, November 17, 2009
MOBILE LIBRARY PROGRAM, NAILUNSAD NA
Umaani na ng papuri mula sa mga guro at magulang ng mga mag-aaral sa elementarya partikular ang mga nasa malalayong lugar ng ikatlong distrito ng Laguna ang Mobile Library Program na inilunsad ni Congresswoman Maria Evita “Ivy” Arago nang nakaraang buwan ng Oktubre.
Layunin ng nasabing programa ng kongresista na makapag-ambag sa ikatataas ng kalidad ng edukasyon sa mga pampublikong paaralan na salat sa mga makabagong teknolohiya upang makaangkop sa modernong panahon, gamit ang isang bus na sadyang idinisenyo upang maglaman ng mga pangangailagan ng isang aklatan.
Sapul nang malunsad ilang linggo lang ang nakaraan ay nakapagdulot na ang programa ng kislap sa mga mata at ngiti sa mga labi sa maraming mag-aaral na ang ilan ay ngayon pa lang nakahawak at nakasaksi sa kamanghaan ng laptop computer.
Bukod sa basic computer learning ay nagkakaloob din ito ng TV Eskwela gamit ang mga subok na at pinagtibay na educational films ng DepEd, at personal na story telling na ginagampanan ni Congw. Ivy kapag may session break sa kongreso.
Sa ngayon ay nakapaglibot na ito sa mga paaralang elementarya ng Atisan, San Marcos, San Mateo, De Mesa, San Miguel at Bagong Bayan sa Lunsod ng San Pablo, San Juan, San Gregorio at San Ildefonso sa Alaminos, Paliparan at Perez sa Calauan.
Ito ay sa pamamahala ni Bennette Brion, sa tulong nina Toni Evangelista, Edwin Pantas, Wana Flores, Mark John Valdez, Victor at Carlo. (Tribune Post)

Friday, November 13, 2009
ALAY PAGMAMAHAL NG M. LHUILLIER FOUNDATION
Nasa larawan ang mga opisyales at kaanib ng M. Lhuillier Foundation nang ang mga ito’y nagsagawa ng Relief Operation sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy sa Sta. Cruz, Laguna. Dahil sa ang paninindigan ng mga sangay ng M. Lhuillier ay maayos, maganda at makataong pagseserbisyo sa mga taong tumatangkilik sa kanila ay sa tuwina’y kaisa ang kompanyang ito ng pamayanan sa oras ng kalamidad. Ang M. Lhuillier Foundation ay binubuo nina Regional Area Manager Analiza Cruz, Carolina Caday (auditor), Area Managers Ricardo Rioflorido, Reolito Ventocilla at Jason Lopez; OPEC Officers Chairwoman Josiephine Umali, Maricel Calimlim, Dominador, Viñas and Miracle Miranda. (Sandy Belarmino)
APAT NA KOLIHEYO SA LAGUNA NANGUNA SA PHILIPPINE STATISTICS QUIZ-PROVINCIAL ELIMINATION
Nais ipabatid ni Provincial Statistics Officer Magdalena T. Serqueña ng National Statistics Office (NSO)-Laguna na limang estudyante ng apat na kolehiyo ang nanguna sa tagisan ng talino sa estadistika sa Philippine Statistics Quiz- Provincial Elimination noong ika-23 ng Oktubre, 2009 sa Cultural Center, Provincial Capitol, Sta. Cruz, Laguna. Sila ay ipadadadala sa Lipa City sa ika-12 ng Nobyembre 2009 upang makipatunggali sa iba pang mga kalahok ng ibat-ibang lalawigan na nasasakop ng NSO-Region IV-A (CALABARZON). Ang unang mananalo sa Regional Elimination ay makakalahok naman sa national finals sa buwan ng Disyembre 2009.
Buhat sa Laguna, mapalad na nagwagi ng unang karangalan si Driesch Lucien R. Cortel, estudyante ng University of the Philippines – Los Baños, Laguna na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Statistics. Ginabayan siya ng kanyang coach na si Ms. Nellwyn M. Levita.
Dalawang estudyante naman buhat sa Laguna College ang magkasunod na umani ng ikalawa at ikatlong karangalan. Sila ay sina Michael A. Jaurigue at Adrian Jay S. Capiña na kapuwa kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Accountancy. Si Ms. Niela Maghirang ang naging coach ng dalawang nanalong estudyante.
Umakyat sa pang-apat na pwesto si Krestian Lee Fernandez na kumukuha ng Bachelor of Science in Accountancy sa San Pablo Colleges. Siya ay sumailalim ng patnubay ni Professor Chona Y. Palencia.
Nagkamit naman ng ikalimang karangalan ang estudyante ng Bachelor of Secondary Education na si Marc Aller Anthony M. Guevarra ng Laguna State Polytechnic University-San Pablo City Campus. Si Ms. Arlene P. Mario ang kanyang naging coach.
Tumanggap ng salaping gantimpala at tropeyo ang limang nanalo buhat kay Gobernador Teresita S, Lazaro. Pinagkalooban naman sila ng NSO-Laguna ng Certificate of Recognition at token, gayundin ng salaping gantimpala, Certificate of Recognition at token ang mga coach bilang pagkilala sa kanilang kahusayan sa paggabay sa kani-kanilang contestants.
Ang resulta ng patimpalak na ito ay magpapatunay kung gaano ka-epektibo ang pagtuturo ng estadistika bilang bahagi ng matematika sa high school. Ang PSQ ay isinusulong din ng Commission on Higher Education (CHED). (NSO Laguna).

Wednesday, November 11, 2009
ANG TAMBULI NG SAN PABLO
San Pablo City - Maraming gawad ng pagpapahalaga, at mga parangal na tinanggap na ni Hometown Journalist Ruben E. Taningco, kasama na ang pagiging isa sa sampong (10) indibidwal na tumanggap ng Gintong Gawad mula sa Surian ng Wikang Pambansa o Institute of National Language noong Agosto 19, 1987 ang kanilang ika-50 Anibersaryo ng Pagkakatatag, at napabilang rin siya sa pinarangalan bilang One of the Ten Most Outstanding San Pableño (for Journalism) nang gunitaan ng Lunsod ng San Pablo ang ika-50 Taon ng Karta nito noong Mayo 7, 1990. Siya ay napasama rin sa 50 San Pableño na pinagkalooban ng Gawad ng Pagpapahalaga ng San Pablo City Red Cross Chapter ng kanilang gunitain ang ika-50 Anibersaryo ng Pagkakatatag bilang isang nagsasariling balangay o Red Cross Chapter, ay lubos niyang minamahalaga ang Gawad Gintong Tambuli, na tinataguriang Lifetime Achievement Award, na ipinagkaloob sa kanya ni late Professor Hipolito B. Aycardo, na Regional Director noon ng Department of Science and Technology-Region IV, nang gunitain ng nabanggit na tanggapan ang kanilang ika-tatlong dekada ng paglilingkod sa Katimugang Tagalog noong Nobyembre ng Taong 2000, o siyam (9) taon na ang nakalilipas.
Ang tambuli, sang-ayon sa kasaysayan ay isang katutubong instrumento para sa dagliang paghiling ng tulong, at sa panahon ng kapanatagan ay isang paraan ng pagtawag ng pansin ng lahat para gumawa ng isang bagay para sa kagalingan ng nakararami sa pamayanan. Naniniwala si Prof. Aycardo na siya ay naging instrumento upang makilala sa Lunsod ng San Pablo, at mga kanugnog na munisipyo, ang mga gawain ng Field Office ng National Science Development Board (NSDB) na binuksan noong Marso ng 1968.sa pangangasiwa ni Bb. Marcela Catibog, upang mahikayat ang marami na gamitin ang mga impormasyon na bunga o natamo sa mga pananaliksik sa larangan ng siyensya at teknolohiya sa paggawa ng mga artikulo ng kalakalan, na naging sandigan ng kabuhayan at pamumuhay ng ilang indibidwal sa Katimugang Tagalog simula noon. Ang gawad ay pagpapaalaala kay Taningco na siya ay 32 taon ng isang kusangloob na tumutulong sa pagpapasigla ng mga disiplina sa siyensya at teknolohiya, na tulad ng isang tambuli, na habang naluluma ay lalong umaayos at nagiging maganda at natatangi ang tunog nito.
Nang ang NSDB ay maging National Science and Technology Authority (NSTA), si Taningco ay naging kabalikat nina Engr. Dionisio O. Santos, at Science Researchers Adventor Neri at Luis Cervantez. Kasama rin nila si Silvestre Villavicencio na noon ay kumakatawan sa Philippine Inventors Commission (PIC).Noon nakilala ang itinatag nilang Out of School Science Education Laboratory (OSSEL) na naging paksa ng mga lathalain na nalathala sa mga pahayagan, at natampok sa mga palatuntuna sa telebisyon sa Maynila noon..
Ang malasakit ni Taningco sa pagsusulong ng technology transfer program ay pinasigla noong Dekada Otsenta, sapagka’t noon, ang mga gawain ng National Science and Technology Authority ay sinusuportahan ng Small Business Advisory Council (SBAC) na pinakikilos noon ni Engr. Malou P. Orijola na ngayon ay isa ng Assistant Secretary sa Department of Science and Technology; at ng National Cottage Industry Development Authority (NACIDA) sa ilalim ng Department of Trade and Industry, kaya naging malawakan siyang nagagamit sa pagpapalawak ng kamalayan tungkol sa mga industriyang pantahanan na salig sa siyensya, na pinahahalagahan din noon ni Alkalde Cesar P. Dizon kaya siya ay naging malaya sa pagkakaloob ng suportang pangkumunikasyon sa mga gawaing ito. Ang kanyang pagsusulat sa mga pahayagang lokal, at pagbobrodkas ay nakahikayat sa marami na pagyamanin ang industriyang pangtahanan sa mga kanayunan.
Katunayan nito, maging ang Department of Information noon sa ilalim ng pangangasiwa ni Kalihim Francisco “Kit” Tatad ay kinilala si Taningco na isa sa limang (5) “Outstanding City Developmental Information Officer” noong 1978.
Sa mga kasapi ng Seven Lakes Press Corps, si Kuya Ruben ang ang “Pinakamatandang Nabubuhay na Tambuli.” (SLPC)

Monday, November 9, 2009
PULPITO, GINAGAMIT NA NI BM AGAPAY SA PAMUMULITIKA
Patuloy pa pala si BM Karen Agapay sa pagkakalat ng mga “misinformation” ukol sa Mounts Banahaw-San Cristobal Landscape Act na ngayo’y naghihintay na lamang na malagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo upang maging ganap na batas.
Layunin ng naturang bill na lubusang mapangalagaan ang mga nasabing kabundukan upang maiwasan ang mga sakunang nagdudulot ng kalamidad tulad ng mga pagbaha, mga landslide na sanhi ng kawalang ingat sa kalikasan. Nilalayon din nito na mapIgilan ang walang habas na pagputol ng mga puno at pagsalaula sa Bundok Banahaw at San Cristobal nang sa gayo’y patuloy na dumaloy ang malinis na tubig sa kapatagan.
Subalit tila may personal na kadahilanan si Bokal Agapay sa pagtutol na maisabatas ang nasabing bill sa kabila na ito ang napapanahong tugon sa ating suliranin laban sa mga kalamidad na dumarating dito sa Timog Katagalugan. Lumilitaw tuloy na mas pinahahalagahan ni BM Agapay ang personal niyang ambisyon na maging congresswoman kapalit ng kapakanan ng taumbayan.
Isinasagawa ito ni Board Member Agapay sa pamamagitan ng iba’t-ibang uri ng manipulasyon, hayagan man o lihim na pagkilos gamit ang mga kinaaanibang samahan na madali niyang napapaniwala na dalisay ang kanyang hangarin sa bayan sa likod ng mala-hunyangong adhikain.
Nakapanlulumong nagtatagumpay si BM Agapy sa panghihikayat na tutulan ang malakalikasang batas na Mts. Banahaw-San Cristobal Bill, nahimok niya ang mga kapwa bokal sa Laguna at kamakailan ay nakumbinsi ang samahan ng bokal ng bansa na lumagda sa isang resolusyon na nakikiusap sa pangulo na huwag lagdaan ang naturang panukalang batas. Sa pag-iiba’t-ibang kulay ni Bokal Agapay ay naisangkot din niya ang Commission on Human Rights sangkalan ang mga illegal settlers ng Bundok Banahaw na nagtayo ng mga istraktura sa lugar na ipinagbabawal ng batas.
Nakaligtaan ng ating mga magigiting na bokal na isaalang-alang na tuklasin kung ano ang nasa likuran ng pagkilos ni BM Agapay nang pagtibayin ang resolusyong isinulong na dikta ng isang ambisyon. Hindi nila inalam na ang mga pamayanan sa Brgy. Kinabuhayan at Sta. Lucia ay mananatili at ang mga pinaaalis lamang ay ang mga istrakturang direktang nakapipinsala sa bio-diversity ng lugar sa Mt. Banahaw. Nakalulungkot malamang ang bayan mismo ng Dolores, Quezon ay hindi pumanig sa mga illegal settler na siya namang patuloy na ikinapapaso ni Senior Board Member Atty. Agapay.
At ang mas nakahihindik ay ang pagsangkalan ni BM Agapay sa pulpito ng simbahan. Muling naghabi ng kasinungalingan ang bokal sa walang kamatayang likha ng kanyang guni-guni na pagtatatayo daw ng golf course at paglalagay ng cable car sa Mt. Banahaw. Naging batayan ito ni Father Arnulfo Arupo ng San Francisco Parish sa kanyang “homily” o sermon ng kanyang Banal na Misa ilang araw na ang nakaraan.
Subalit mas matimbang ang katotohanan kaysa kasinungalingan. Nakita ng butihing pari ang kanyang pagkakamali at inaming “half-baked” ang impormasyong isinubo ni Agapay sa kanya, naging maginoo at nagpahayag ng public apology na pumapabor kay Incumbent 3rd Dist. of Laguna Congw. Maria Evita “Ivy” Arago. (SANDY BELARMINO)

COMPREHENSIVE INFORMATION CAMPAIGN ISINAGAWA NG SPC SOLID WASTE MANAGEMENT OFFICE
Nagsagawa ng isang comprehensive information campaign sa buong buwan ng Oktubre ang San Pablo City Solid Waste Management Office para sa implementasyon ng RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000 at ng City Ordinance No. 2003-15 sa iba’t-ibang barangay ng lunsod.
Ang lecture-seminar na isinabay sa iba’t-ibang Barangay Assembly ay pinamunuan ni Engr. Ruel Dequito, City Solid Waste Management Officer at kanyang mga staff. Ipinaliwanag sa nasabing seminar na ang problema ukol sa garbage disposal at ang waste segregation ay hindi lamang urgent issue kundi isang mahalagang bahagi ng environmental protection.
Isinagawa rin ang kampanyang ito kaugnay ng naging problema ng bansa sa basura na lalo pang nagpalala sa nangyaring pagbaha nuong nakaraang Bagyong “Ondoy” at “Pepeng”. (CIO-SPC)

Subscribe to:
Posts (Atom)